Chapter 25 - Heart HEART kept on glancing at the digital clock. Nakahanda na siya papunta sa trabaho pero wala pang Lux na dumarating sa condo. Nagpatuloy siya sa pagsisintas ng sapatos at saka siya tumayo. Ang sabi ni Lux kanina sa kanya ay pupuntahan siya at maghahatid sa kanya ng pera. Nag-aalala siyang baka nag-iba ang isip nun pero parang mas nag-aalala siya na baka kung napaano yun sa kalsada, o kaya ay kasama ang asawa kaya hindi siya magawang puntahan. Bigla siyang nakaramdam ng selos kaya napabusangot siya. Daig pa niya ang nanamlay na sobra pero kinuha pa rin niya ang cellphone at nag-compose ng message para kay Lux. Heart: Sir, pupunta pa po kayo? Papunta na po ako sa trabaho. Nag-type rin siya para sa Nanay niya. Heart : Nay, pasok na ako sa trabaho. Pagkasend niya nun a

