Amethyst Mabilis na lumipas ang dalawang buwan, nakaligtas ako at si Carl sa mga kumidnap sa amin. Tumayong testigo si Carl laban kay Tasha kaya na abswelto ito, siya narin ang tumayong magulang ni Rodney dahil hindi mahanap ang mga kamag anak ni Chris. Nailibing na din siya ng maayos habang nag papagaling ako sa hospital. " Bess gamot mo inumin mo na last na yan tapos pwede ka na ulit umawra sa labas" saad ni Ava na kasing laki ng pakwan na ang tiyan. " Salamat sa pag aalaga sa akin, dapat ikaw na inaalagaan ko ang laki laki na nang tiyan mo oh" saad ko. " Ano ka ba syempre pagka panganak ko ako naman aalgaan mo " natatawang sabi niya. " Sya nga pala bukas ka na pala babalik sa pag work mo? "tanong niya. " Oo ang dami ko nang trabaho na naka pila , idagdag pa ang mga semina

