Dylan Pang apat na araw na naming hinahanap si Amethyst, nang makatanggap ako ng tawag mula sa mga tauhan ko. Kasalukuyan kaming nasa library ng mga kaibigan niya. " Sige ihanda nyo na lahat ng tauhan at may mga darating pa. Kailangan na natin silang unahan bago sila maka alis agad. " sagot ko sa kausap ko saka pinatay ang tawag. Nag dial akong muli. " Ihanda mo na ang helicopter, aalis na tayo ngayon na " utos ko sa kausap ko sa kabilang linya at agad ding pinatay ang tawag. Bumaling ako sa mga kaibigan niyang nakikinig lang sa akin. " Nakita na nila kung nasaan si Amethyst, kailangan ko nang umalis ngayon, dumito lang muna kayo mahirap na masalisihan." sabi ko sa kanila. " Sasama kami " saad ni Mark. " Tutulong kami hanapin siya " si Josh. " Ako na lang ang sasama " si Liam

