Episode 37

1774 Words

Amethyst 37 Nagising ako sa isang malakas na ingay, nakaramdam ako nang sobrang sakit ng ulo. Nang imulat ko ang mata ko ay nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa labas, nang masanay ako sa liwanag ay inilibot ko ang paningin ko. Naramdaman kong nakatali ang mga kamay sa likod at nasa isang kwarto ako na may isang kama at banyo lang ang nasa loob. Sisigaw na sana ako para humingi ng tulong ng bumukas ang pinto. Nagtaas ako ng kilay ng makita kong si Chris iyon at may dalang pagkain. " Chris? Anong ibig sabihin nito? " tanong ko sa kanya. Naglakad ito palapit sa akin at ibinaba niya ang tray sa gilid ng kama. " Kumain ka na dalawang araw ka ng tulog "sagot lang nito. " Dalawang araw? Ano... Anong kailangan mo sa akin? Bakit ako nakatali? Bakit ako nandito? " sunod sunod kong tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD