Episode 6

1977 Words
Amethyst Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Masakit ang ulo ko dahil siguro sa dami ng nainom ko kagabi. Buti na lang at sabado walang pasok sa opisina. Hindi muna ako bumangon sa kama at tumitig sa kisame. Unti unting nag flashback ang nakaraan simula nang magkita at magkakilala kami ni Carl. ***Flash back.... First day namin sa college kaya napag pasyahan naming magsabay sabay sa pag pasok. Engineer course ang naisip kong itake para kahit paano makatulong sa negosyo ng mga magulang ko someday pero balak ko ding magtayo ng sarili kong company Ang mga kaibigan kong si Stef at Ava undecided pa kaya ginaya na lang ang kinuha kong course madali lang naman daw mag shift kapag alam na nila ang gusto nila. " Hay naku wala ka pa din pagbabago... Late ka pa din Amz" bati ni Stef sa akin habang palapit ako sa kanila. " Girl maaga pa kaya. Bakit ba kasi nagmamadali kang pumasok?" tugon ko sa kanya habang humahalik sa pisngi nya at ni Ava. " Alam mo naman yan mag fi-fishing daw siya" pabirong sabi ni Ava. " Hoy grabe kayo sa akin ha. Syempre dapat ay magpa impress tayo sa teacher natin. Fisrt day of school ano ka ba!" naka ngusong sabi ni Stef. " Ang sabihin mo magpapa impress ka sa mga cute boys dito..." natatawa kong sabi sa kanya. " Ano ka ba Amz wag ka naman ganyan baka umiyak yan dito " biro naman ni Ava. " Sige pagkaisahan niyo ako,sige lang.. Oh happy na happy na kayo ha" nanlilisik na sambit ni Stef. Sabay sabay kaming nagtawanan at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng campus. Habang hinahanap namin ang room naming tatlo ay napadaan kami sa gymnasium ng school. Medyo maaga pa kaya maraming student ang nakatambay. Napatingin ako sa bandang gilid kung saan maraming naguumpukang mga studyante na palagay ko ay mga ahead sa amin. Napansin ko ang isang babae na naka kandong sa lalake. Napatitig ako sa mata ng lalakeng iyon at nakita ko ang pag ngisi niya sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay at saka inirapan. Dahil hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko ay nabangga ako sa isang matigas na bagay. Muntik na akong malaglag kung hindi lang nahapit nito ang aking bewang. Nang tignan ko kung sino ito at napa awang ang bibig ko ng makita ko ang gwapo nitong mukha. Ngumiti lang ito sa akin at saka dahan dahan akong inalalayang tumayo ng maayos. " Miss magiingat ka sa paglalakad mo. Huwag kung saan saan naka tingin" ani ng lalake. " Pasensya na. Salamat" tugon ko sa kanya. "I'm Liam. Liam Raven Saavedra " sabi nito sabay lahad ng kamay. Inabot ko ang kamay niya at saka nagpakilala din sa kanya. " I'm Love Amethyst Cepeda, Amz for short". " Freshmen ka dito?" tanong ni Liam. " Oo first day din" sagot ko naman. " Oh I see. ahead naman ako sa iyo ng isang taon " si Liam. " Nahanap mo na ba ang room mo?" pahabol niyang tanong. " Hindi pa ehh. Naghahanap pa lang" sagot ko naman sa kanya. " Ehem.. Ehem" si Stef na halatang pilit na magubo. Nagulat ako nang makita kong magkahawak pa din ang kamay namin kaya mabilis ko itong hinatak. " Siya nga pala mga best friend ko si Stef at Ava " pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko. Isa isa niyang kinamayan ang mga ito. " Gusto niyo samahan ko kayo sa paghahanap ng room niyo? " sabi ni Liam. Sasagot sana ako nang marinig kong may tumawag sa kanya at sabay sabay kaming lumingon sa pinang galingan ng boses. Ang lalakeng may kandong na babae kanina ang tumawag sa kanya. Palapit na ito sa amin nang magpaalam na ako kay Liam. " Sige mauna na kami. Kaya na namin hanapin ang room namin. Nice to meet you Liam.Bye" nagmamadali kong sabi sabay talikod at naglakad ng mabilis palayo. " Sino yun? Bakit nagmamadaling umalis?" dinig kong tanong ng lalake kay Liam. " Freshmen. Si Ava, Stef at Amethyst." dinig ko pang sagot ni Liam. Mabilis nag daan ang mga araw halos araw araw din naming nakikita ang groupo nila Liam at ang mga kaibigan niya. Nadagdagan din ang grupo namin si Kat at Trisha na mga classmate namin. Minsan nilapitan kami ni Liam habang nasa canteen. " Hi girls, pwede bang makiupo?" naka ngiting tanong ni Liam sa amin. " Bakit anong problema sa upuan niyo dun? " sabi ni Stef habang naka ngusong itinuturo ang mga kaibigan niya. " Oo nga baka awayin pa kami ng mga chixs mo dahil dito ka uupo " si Kat na naka ngisi naman kay Liam. " Maingay kasi sila masyado kaya dito muna ako. May itatanong din kasi ako kay Amethyst " naka ngiti pa ding sagot niya habang tinataas baba ang mga kilay. " Sige upo ka na gwapo ka naman eh " sagot ni Trisha habang kinakain ang fries niya. " Amz pwede ka bang kumanta kasama ko? " tanong sa akin ni Liam. " Huh? di naman ako kumakanta " sagot ko sa kanya habang kumakain ng burger ko. " Narinig kaya kita noong isang araw sa CR ng mga babae " naka smile na sabi niya sa akin. " Baka naman hindi ako un " sagot kong muli. " Ikaw yun kasi inantay ko talagang lumabas kung sino nasa loob tapos ikaw nakita kong lumabas" naka ngiti pa ding sabi niya. " Baka nauna lang ako lumabas kaya ganun?" sagot ko naman. " Magaling yan kumanta Liam simula elementary kami kumakanta yan sa school." Si Stef na naka ngisi na. " Oo nga Liam sure kami siya ung narinig mo " sabat naman ni Ava. Pinanlakihan ko sila ng mata kaya natahimik sila at ng peace sign sa akin. " Ayoko ng kumanta sa stage okay na ko tahimik ang buhay ko Liam " seryosong sabi ko sa kanya. " Bakit naman di ka naman magugulo siguro kapag kumanta ka tsaka akong bahala sa iyo sagot kita dito walang makakalapit sa iyo." Mahabang sabi niya. " Nagka phobia siguro yan kasi nung graduation namin kumanta siya tapos bigla may umakyat ng stage tapos niyakap siya bigla " kwento ni Ava na biglang nagtago sa likod ni Stef ng tignan ko ng masama. " Basta ayaw kong kumanta tapos" mariing sabi ko. " Pag isipan mong mabuti. Hindi kita papabayaan na mahawakan ng kahit na sino basta nasa tabi kita akong bahala sa iyo." Seryosong sabi ni Liam. " Wow boyfriend peg lang ang labanan" si Stef na naka ngisi pa din. Lumipas ang ilang araw sige pa din ang pangungulit sa akin ni Liam. Minsan naghihintay siyang matapos ang klase namin at minsan naman ay sumasabay siya sa pagkain sa amin sa canteen. Isang hapon tumambay kami sa isang malaking puno dahil may meeting daw ang faculty member at mga teacher. " CR muna ko sino sasama?" si Stef habang nakatayo at nag aayos ng palda niyang nagusot. " Ako sasama ako naiihi na din ako" si Ava. " Ako din sama ko" si Kat. " Kayo Amz at Trisha?" tanong ni Ava. " Dito na muna ko ako na magbabantay ng mga gamit natin" sagot ko. " Ako punta ako canteen bili ako ng makain natin medyo matagal tayo tatambay dito eh." Si Trisha. Nagkanya kanya sila ng alis habang ako ay naiwan magisa sa ilalim ng puno. Ikinabit ko ang Airpods na palagi kong dala sa bag at nag hanap ng kanta sa phone ko. Napili kong patugtugin ang kantang " After all ni nirevive ni Jennylyn at Dennis Trillo. Tumingin muna ako sa paligid ko bago ako nagsimulang kumanta. Well, here we are again I guess it must be fate We've tried it on our own But deep inside we've known We'd be back to set things straight I still remember when your kiss was so brand new Every memory repeats Every step I take retreats Every journey always brings me back to you After all the stops and starts We keep comin' back to these two hearts Two angels who've been rescued from the fall After all that we've been through It all comes down to me and you I guess it's meant to be, forever you and me, after all When love is truly right (This time it's truly right) It lives from year to year It changes as it goes Oh, and on the way it grows But it never disappears After all the stops and starts We keep comin' back to these two hearts Two angels who've been rescued from the fall After all that we've been through It all comes down to me and you I guess it's meant to be, forever you and me, after all Always just beyond my touch You know I needed you so much After all, what else is livin' for? After all the stops and starts We keep comin' back to these two hearts Two angels who've been rescued from the fall After all that we've been through It all comes down to me and you I guess it's meant to be, forever you and me, after all Nang matapos ako sa pagkanta ay nakarinig ako ng palakpakan sa likod ko kaya't napa tayo akong bigla. Nakita ko ang mga kaibigan ko at si Liam at may mga iba pang mga estudyante. " Sabi ko na nga ba ikaw talaga yung kumakanta sa may Cr noon eh." Si Liam na sobrang ganda ng pagkaka ngiti. Feeling ko namumula na ang mukha ko ng husto dahil sa mga nakatingin sa akin at pumupuri sa akin. Napangiti lang ako sabay upo ulit patalikod sa kanila. Naglapitan naman ang mga kaibigan ko kasama si Liam na nakiupo na din sa amin. " Ay di mo kami ininform na may pa free concert ka pa lang gagawi dito kaya nagpaiwan ka" si Stef na yumakap sa akin sa likod. " Ang galing galing talaga ng best friend namin nakaka inggit naman sana meron din akong boses na ganya " si Kat. " Di ba Liam sabi ko sa iyo magaling yan kumanta " si Trisha naman na naka hilig sa balikat ni Liam. " Kaya nga ang hirap naman pasagutin nitong kaibigan niyo " si Liam. " Bakit nanliligaw ka ba? " takang tanong ni Ava. " Gag* sa pagkanta nila together ang ibig sabihin ni papa Liam" Si Stef na hinatak ng bahagya ang buhok ni Ava. " Liam bakit mo ba pilit na pinapasagot si Amz" tanong ni Trisha. " Wala naman kasi may bagsak akong isang subject ni require lang nila na kumanta ako sa darating na program sa sunod na buwan " sagot ni Liam. " Kapag hindi ako nagperform wala ite- take ko ulit ung subject na yun ehh sayang sa araw di ba?" dugtong nito. " Di ba maraming ka namang tropa bakit hindi sila ang ayain mo?" tanong ko sa kanya. " Naisip ko na din yan kaso mga boses palaka lang din kasi tapos di naman ako marunong sumayaw kanta lang talaga naisip ko?" sagot niya sa akin. " Kaya pumayag ka naman na please Amz. Isang beses lang naman please" pagmamakaawa nito. "Sige na besy ilang linggo ka na din namang kinukulit nitong si Liam at tsaka alam kong namimiss mo na di kumanta sa stage" si Ava habang kumakain ng chips. Inabotan ako ni Liam ng juice saka nag smile sa akin at nag sabing " Sige na please... Isang beses lang promise. Pero kung gusto mo naman maulit nasa sa iyo naman yun". " Hmmm.. Anong kapalit?" nakataas kilay kong tanong. " Ikaw. Bahala kang magisip nang kapalit wag lang ang katawan ko" natatawang sagot nito sa akin. " Hmmm.. Sge payag na ako" sinabi ko sa kanya na ikinangiti nito at bigla akong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD