Carl's POV
Nakahiga lang ako sa aking kwarto habang nakatitig sa kisame.
I feel empty inside na parang may hinahanap ako sa pag balik ko ng Pilipinas.
It's been a year ng maaksidente ako at magkamalay pero wala akong matandaang kahit ano bukod kay Natasha na alam kong girlfriend ko.
Nalaala ko ang araw nang magkamalay ako sa hospital.
Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko ang isang babae sa gilid ng kama ko na natutulog at nakahawak sa kamay ko.
Hindi ko siya kilala pero naudyokan akong haplusin ang kanyang buhok at mukha habang mahimbing siyang natutulog.
Marahil ay naramdaman niyang nagising ako kaya't napamulat siya ng kanyang mga mata.
" Carl gising ka na... Salamat sa Diyos " sabi niya sa akin.
Nakatitig lang ako sa kanya at nagtataka kung sino siya.
" May masakit ba sa iyo? Teka tatawagin ko ang doctor mo saglit lang?" aniya sabay lumabas ng pinto.
Pagbalik niya ay may mga kasama na siyang hindi ko din kilala.
Lumapit sa akin ang naka damit na puti na sa palagay ko ay ang doctor na sinasabi niya.
" Hi Mr. Sebastian ! how are you feeling?" tanong niya sa akin.
" A little bit dizzy. "Maiksing sagot ko
" That's normal, just take it easy okay? " si doc.
" Anong nangyari sa akin? " tanong ko.
" You have been into a car accident and in comma for about four months " sagot niyang muli.
" Huh? really... Sino naman sila?" sabay lingon sa mga taong naka paligid sa akin.
Nakita kong nabigla ng bahagya ang babaeng katabi ko kanina.
" They are your friends. Don't you remember them? " sagot ni doc.
Umiling lang ako saka nagtanong
" Where is Natasha? "
Lumapit sa akin ang babaeng katabi ko kanina at hinawakan ako sa kamay.
" Carl bakit mo siya hinahanap? Kilala mo ba ako? tanong niya.
Umiling akong muli at sumagot " She is my girlfriend right? "
" Amethyst " tawag sa kanya ng doctor.
" Tito bakit di niya ako naalala? " tanong ng babae na nalaman kong Amethyst pala ang pangalan.
" We talked about this. I will run more test to him so we can confirm.For now let him rest as much as possible." tugon ng doctor.
Inakay na nila si Amethyst pa labas ng room ko ngunit bago ito magsara nakita ko pang napa hagulgol siya ng iyak.
Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako sa nakita ko,dahil sa sobrang hilo ko pinilit kong muling matulog.
Nag patuloy ang mga araw na si Amethyst ang kasama ko palagi minsan dumadalaw ang kuya ko at saka naman siya aalis para makapahinga ngunit babalik din sa gabi bago ako makatulog.
Isang umaga habang inaasikaso niya ang mga gamot naiinumin ko, napatingin ako sa kanya at bigla akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maipaliwanag.
Pinilit kong kalmahin ang puso kong kulang na lang ay lumundag palabas ng bigla niya ako lingunin at ngitian.
" Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo? " nag aalalang tanong niya.
" Okay lang ako. Wala namang masakit sa akin " sagot ko sa kanya.
" Mabuti naman.. Eto na pala ang mga gamot mo inumin mo na tapos pwede ka na ulit magpahinga." Sabay abot sa akin ng mga gamot ko at isang baso ng tubig.
" Salamat. Bakit ikaw ang nag aasikaso sa akin? Kaano ano ba kita? " tanong kong muli habang inisa isa kong inumin ang gamot.
" Ahh.. Kaibigan mo ako. Free kasi ako kaya ako na muna ang nagbabantay sa iyo dito." Sagot niya nang naka ngiti.
" Hmmm.. Wala ka bang boyfriend.. Baka naman magselos na yun kung araw araw kang nandito." Tanong kong muli saka ininom ang huling gamot.
" Maiintindihan naman niya kung bakit andito ako." Naka ngiting tugon niya habang kinukuha sa akin ang baso.
" Sige na mahiga ka na gisinging na lang kita mamaya kapag dumating si Doc." dugtong pa nito sa akin.
" Hmmm di pa naman ako inaantok. Okay lang ba mag kwentuhan tayo?" tanong ko sa kanya.
Lumapit siya at umupo sa upuan na malapit sa kama.
" Okay sige ano ba gusto mong ikwento ko sa iyo?" na ka ngiting sagot niya.
" Kahit ano lang. Ikaw.. Tungkol sa iyo.. Kung paano at kailan tayo nagkakilala at paano tayo naging magkaibigan." sabi ko sa kanya.
" Hmmmm... Tungkol sa akin... I am Love Amethyst Cepeda. Im an Engineer graduate..22 years old, currently working in CS CONSTRUCTION which builds the top malls, hotels and resorts in and out of the country." naka smile pa din sabi niya.
"Paano tayo nagkakilala hmmm... We met in highschool days... I'm a freshmen and you are years ahead.. And you we're introduce by Liam to me." Pagpapatuloy niya.
" Liam? My best friend right? Nasaan pala siya bakit di ko pa siya nakikita na dumadalaw dito? "tanong ko sa kanya.
" Ahh si Liam nasa London siya. Dun kasi siya nag Masteral ng Degree niya. He is also an Architect like you. Dumalaw siya nung naka comma ka about two months ago. Kailangan niya lang kasi bumalik dahil may mga project siyang hawak na di pwedeng ipending ng matagal" sagot niya sa akin.
" Ahh okay.. Close ba tayo? I mean sabi kasi nila magkabarkada tayo" naiilang na tanong ko sa kanya.
Nag smile siya sa akin na para bang gusto ko siyang yakapin dahil dun.
" Close naman tayo. Madalas tayo mag away pero nag babati din agad." Sagot niya.
Kinuha ko ang kamay niya na nakapatong sa kama ko sabay sabing " Gusto kitang maalala.. Feeling ko kasi masaya ako kapag kausap kita at kapag kasama kita parang panatag ako, hindi ko alam kung bakit".
Biglang tumulo ang mga luha niya , nagulat ako at nag alala kung bakit ganun ang reaksiyon niya sa sinabi ko.
Hahaplusin ko sana ang mukha niya para punasan ang mga luha niya ng biglang bumukas ang pinto at iluwa nito si Natasha.
Nabitawan ko bigla ang kamay niya nang lumapit ito sa akin.
" Hi Honey! I'm sorry ngayon lang ako naka balik galing France, kamusta ka na? " tanong nito sabay halik sa aking labi.
Nilingon ko si Amethyst na naka kunot ang noo at masama ang tingin kay Natasha.
Bigla ulit bumukas ang pinto at dumating ang mga kaibigan ko na hindi ko pa din kilala at maalala.
Nilapitan ni Stef si Amethyst at inilayo sa akin.
Habang si Natasha naman ay sige ang salita pero wala akong maintindihan dahil na kay Amethyst ang mga mata ko naka tingin.
" Hey are you listening to me?" tapik nito sa akin na ngayon ay nakayakap na sa akin.
" Yeah okay na ako. Inaalagaan naman ako mabuti ni Amethyst" sabay lingon ko sa kanya.
Pero nakatalikod lang ito sa akin at yakap na din ng isang kaibigan namin na si Ava.
Tuluyan na silang lumabas lahat at naiwan ako kasama si Natasha.