Kinabukasan ay lunes ng umaga. Mag-isa nanaman siya. Ang mga kapatid niya ay nasa iskwela. Si Darwin naman ay maagang pumasok ng trabaho. Ni hindi na niya ito naabutan. Naisipan niyang pumunta ng Mall para bumili ng iba pang mga supply ni baby. Nagsuot lang siya ng isang mahabang dress. Inipit ang buhok niya at sinuot ang bilog na salamin niya sa mata. Habang naglalakad sa Mall ay tuwang tuwa siya sa mga baby stuff na nakikita niya. Bumili siya ng headband ni baby at mga character socks. Excited na excited na siyang makita ang baby lourin nila. "Miss Del Castillo?" Tawag sa kanya ng kung sino. Nang tignan niya ito ay nakita niya ang nakangiting si Mr. Cornejo. "Your tummy looks so big!" Manghang sabi nito. Agad siyang napangiti. "Kumusta na po kayo? Opo, malaki na siya" "I'm p

