Kinabukasan ay nakarinig siya ng mahinang katok. Dahan dahan siyang tumayo at naglakad papunta sa may pinto, medyo bumibigat na kasi ang tiyan niya. "Hi!" Bungad sa kanya ni Darwin. Fresh na fresh ang itsura nito. Agad niyang naalala ang itsura niya kaya bigla niyang nasara ang pintuan at nagmamadaling pumunta ng banyo. Mabilis na nag toothbrush at nagsuklay. Bakit ba bigla siyang na conscious? "Hello!" Ngiti niya ng biglang buksan ang pinto. "I just want to ask if you want to join me for a walk?" Nahihiyang tanong nito. "Walk?" Kunot noong tanong niya. "Yup! Nabasa ko kasi na maganda sa mga buntis ang paglalakad lakad" Agad siyang napangiti. "Sige, hintayin mo nalang ako sa baba. Magpapalit lang ako ng damit" Naglakad sila sa isang park dito sa loob ng Village. "Lara.." Tawag

