Pagkatapos kumain ay bumalik na siya ng kwarto niya. Ang mga kapatid naman niya ay busy sa panunuod ng cartoon network sa may sala. Linggo kasi ngayon at wala silang pasok sa school. Naayos na din kasi ni Darwin ang mga papel ng mga kapatid niya sa paglipat ng school dito sa Maynila. Narinig niya din ang mga kapatid niyang nagpapaalam kay Michelle bago siya pumasok ng kwarto. Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig siya ng kababalik lang na ugong ng sasakyan. Napagpasyahan niyang maligo muna. Nagsuot siya ng pambahay na duster. Nagsusuklay na siya ng makarinig ng mga katok. "Can I come in?" Bungad nito pag bukas niya ng pinto. Agad niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. "Nakaalis na ba ang bisita mo?" Naiinis na tanong niya "Why?" "Wala naman naitanong ko lang" "Are you je

