Inihinto nito ang sasakyan sa isang napakalaking bahay. Automatic na bumukas ang gate at ipinasok ang sasakyan nito. Hinila siya nito at dinala sa tingin niya ay kwarto nito. "There!" Pagkatapos makapasok ay ini-lock nito ang pinto "Ano ba sir, please hayaan mo na po ako!" "Not until you tell me who's the father of your child!" "Does it really matter sir? Please. Gusto ko na pong umalis" At humakbang na siya paalis. Pero agad nitong hinuli ang braso niya. "Don't force me to do something you will regret in the end Miss Del Castillo. I'm warning you!" "Hindi nga ikaw ang ama nito!" Sigaw niya rito dahil sa inis "Then tell me who's the father?!" Sino ang ituturo niyang ama ng anak niya? Hindi siya makapagsalita at parang napipilan. "Wag mong ipagkait sa akin ang mga bagay na kai

