"Samuel! Ano bang pinagsasabi mo?" Nahihintakutang sabi niya. "Isa ka ngang dakilang tanga at manhid Lara! Hindi mo ba alam na baliw na baliw ako sayo?" Ngisi nito "Samuel please, pag-usapan natin ng maayos ito iuwi mo na ako" Pakiusap niya rito "Para ano?! Para humingi ka ng tulong sa gago mong asawa?! Hindi ako tanga!" At tumawa ito ng malakas "Samuel ano bang nangyayari sayo? Hindi na kita kilala!" Nilapitan siya nito at pinisil sa pisngi. "Kung ako nalang sana ang pinili mo hindi tayo aabot sa ganito!" "Samuel bitawan mo ko nasasaktan ako!" Piglas niya rito pero malakas ito "Ginawa ko ang lahat para sayo Lara! Pati ang pag-aalaga sa putang-ina mong mga kapatid para lang piliin mo ako! Pero anong ginawa mo? Mas pinili mo pa ang putang-inang lalaking yun?! Dahil ano? Dahil mayaman

