Nanlalambot na lumabas siya sa library. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak. Siguro dahil eto na talaga yun. Tapos na tapos na sa kanila ni Darwin ang lahat. Kinabukasan ay hindi man lang siya pinapansin nito at halatang iniiwasan siya. Pag magkakasalubong sila ay agad itong iiwas. Nang makitang palabas na ito ng Main door ay tinawag niya ito. Nabitin ang pagbukas nito ng pinto. "Ah Darwin, balak ko lang sanang sabihin na plano na namin ng mga batang lumipat sa Linggo" Agad itong natigilan pero tumango lang at hindi siya pinagkaabalahan lingunin. Agad niyang iniligpit paisa-isa ang mga gamit nila ng mga kapatid niya. Nang matapos ay napaupo siya at napahawak sa tiyan. Sorry baby ah, kung hindi maibibigay ni mama yung kompletong pamilya sayo. Pero sisikapin kong palakihin ka n

