Chapter One

3479 Words
HINDI naituloy ni Ella ang pagsusulat sa dairy book niya nang biglang dumapo sa isip niya si Devey Rivas, ang bully lord ng campus nila noong high school. Pagkatapos ng interview niya sa Harley’s resort ay may nakita siyang lalaki na pamilyar. Si Devey kaagad ang naisip niya. Magbuhat noong nagtapos sila ng high school ay hindi na niya nakita si Devey. Ayon kay Jero, sa London daw nag-aral si Devey, sa kursong BS Forensic Science. Kasalukuyan pa rin daw nag-aaral for doctorate degree at specialization si Devey kaya patawid-tawid lang ito ng bansa. Aminado siya na bigla niyang na-miss ang binata pagkatapos ng graduation nila. Nasanay na kasi siya sa kakulitan niyon. “Ella?” Bumalikwas siya ng tayo nang marinig niya ang boses ng mama niya. Tinungo kaagad niya ang pinto at pinagbuksan ang ginang. Nasurpresa siya sa nakangiting mukha nitong bumungad sa kanya. Mukhang may maganda itong balita. “Ano po ang nangyari sa lakad n’yo, Ma?” tanong niya nang magkatabi na silang nakaupo sa gilid ng kama. Ginagap naman nito ang kamay niya. “Anak, may nakilala akong ahensiya na maaring makatulong sa atin para mahanap ang papa mo. Naalala mo ba ang doctor na nagpaanak sa akin noon? Si Dr. Rivas,” paalala nito sa kanya. Tumango naman siya. “Hindi ba siya  pa ang nagbigay ng pangalan mo? Nagkita kami kanina sa ospital. Doon na rin pala siya nagtatrabaho sa ospital na dati kong pinagtrabahuhan bilang pharmacist. Kinakamusta ka nga niya,” magiliw na kuwento nito. Bigla rin siyang natigilan nang maalala ang apelyido ng doktor na binaggit ng mama niya. Naalala niya, doktor pala ang tatay ni Devey. Nakalimutan na niya ang mukha ni Dr. Rivas, dahil sampung taon siya noong bumalik sila ng mama niya sa ospital at nagkita sila ni Dr. Rivas. “Paano naman po niya tayo matutulungan?” pagkuwan ay tanong niya sa kanyang ina. “Si Dr. Rivas kasi ay mayroong organisasyon na tumutugis sa mga masasamang bampira. May hinala sila na maaring isa ang papa mo sa nadakip ng mga bampira. Nako! Habilin pa naman niya na huwag tayong magpapagabi sa labas. Baka next week pupunta sila rito para mapag-usapan ang hakbang na gagawin,” anang kanyang ina. Hinawakan nito ang kanang kamay niya. “Siya nga pala, naikuwento ko na ba sa iyo na iniligtas ako ng anak niyang binata mula sa isang masamang bampira noon?” Nawindang siya. Ilang araw ba sila hindi nagkita ng mama niya? Hindi niya alam na may nangyari na palang masama rito. “Kailan po nangyari ‘yon, ‘Ma?” napapatayong tanong niya. Kinabahan siya bigla. “Ah, eh, noong isang linggo pa. Kagagaling lang namin sa Harley’s resort dahil sa seminar namin kasama ng mga katrabaho ko. May nakalimutan ako kaya bumalik ako sa resort, kaso habang patungo ako sa resort, may lalaking humarang sa akin. Mabuti na lang nataong patungo rin ng resort ang anak ni Doc. At nalaman kaagad niya na bampira ‘yong lalaki na nagkunwaring driver ng taxi. Ang bait nga niya, nilibre pa niya ako ng meryenda sa resort at pinakilala niya ako sa mama niya. Kaya nalaman ko na anak pala siya ni Dr. Rivas,” kuwento ng mama niya. “Ano po ang pangalan ng anak niya?” curious na tanong niya. “Si Devey,” mabilis nitong sagot. Nawindang siya. Tama ang unang hinala niya, anak nga ni Dr. Rivas si Devey! “Si Devey Rivas pala?” manghang unatg niya. “Oo, naikuwento nga kita sa kanya, eh. Sabi pa niya may naging kaklase raw siya’ng Ella. Noong sinabi ko ang apelyido ko ay nakumbinsi siya na ikaw nga ang tinutukoy niya. Nako, ang guwapong lalaki ni Devey. Binata pa pala ‘yon.” Napangiwi siya. Alam na this. Mabilis talaga dumiskarte ang nanay niya pagdating sa maimpluwensiyang tao. Udyok pa nito sa kanya noon, mag-asawa raw siya ng mayaman para umangat naman daw sila sa buhay at hindi niya maranasan ang maghirap ulit. “Ay, teka, kumusta naman ang pag-apply mo sa Harley’s resort, anak?” pagkuwan ay usisa ng mama niya. “Natanggap na po ako. Tinulungan po ako ni Jero,” aniya. “Wow!” Napatayo ito, tuwang-tuwa sa balita. “Sandali, ‘yang Jero ba na ‘yan ang sinasabi mong nagligtas sa iyo noon sa mga ahas?” “Opo.” Madalas kasi niyang ikuwento noon sa mama niya ang tungkol kay Jero. Kaya alam nitong matagal na niyang gusto si Jero. “Talaga? Tadhana nga naman. Mukhang espisyal ka sa kanya, anak. Kapag niligawan ka niya, sagutin mo kaagad. Mayaman pa naman ang pamilya niya. Dapat makapag-asawa ka na bago lumagpas sa kalendaryo ang edad mo.,” anito, pumalatak na ito. “Pagbutihin mo ang trabaho, anak, ha? Congrats!” Hindi siya nakakibo nang bigla siyang yakapin ng mama niya. Hindi naman masukat ang galak niya habang naiisip ang mga pagkakataong magkasama sila ni Jero. Mukhang matutupad na ang pangarap niyang love story sa piling ng binata. Iginigiit niya na si Jero ang prinsepe sa panaginip na hindi niya malimut-lumutan hanggang sa panahong iyon. Hindi na niya tanda ang hitsura ng prinsepe sa panaginip niya pero ika niya’y hindi naman masama kung buhayin niya iyon sa katauhan ni Jero. Nasa katangian kasi ni Jero ang prinsepeng gusto niya. Kinabukasan ay maagang pumasok sa resort si Ella. Ang sabi kasi ng nag-interview sa kanya ay kailangan niyang pumasok nang maaga para sa orientation. Receptionist ang available kaya wala siyang choice. Covered pa rin naman ‘yon ng pinag-aralan niya. Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Iyon lang kasi ang kursong kaya ng budjet ng mama niya. Kahit kasi scholar siya sa university ay marami pa ring gastusin. Ang first choice niyang kurso ay nursing at balak niyang magpatuloy sa medisina, kaso ‘di na kaya ng budget. Masaya naman siya sa kursong tinapos niya. Gusto niyang kumuha ng experience kasi balak niyang mag-abroad. Maa malaki raw kasi ang sweldo ng mga hotel workers sa abroad. Katunayan may mga experience na siya sa ibang resort pero hindi maganda ang pasuweldo kaya umalis siya. Sinuwerte naman siya sa Harley’s resort. Habang nag-o-orient ang out-going receptionist ay panay ang sipat niya sa paligid, sa pag-asang naroroon lang si Jero. Natapos na lang ang orientation ay hindi niya nakita ang anino ni Jero. Mamaya’y iniwan na siya ni Sandra, na nag-orient sa kanya. Gabi kasi ang duty nito. Kinakabahan siya. First time kasi niyang magtrabaho bilang receptionist. Mas sanay siya sa restaurant management. Abala siya sa pagre-review ng mga record ng mga guest. Pinag-aaralan din niya ang rules and regulation ng front office. Seryoso siya sa kanyang binabasa habang nasa loob siya ng front desk. Wala pa namang guest kaya magnilay-nilay muna siya. “Good morning!” Kamuntik nang mabitawan ni Ella ang log book na hawak niya nang umugong sa pandnig niya ang malaking boses ng lalaki, na biglang nagsalita sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan niya. Kumurap-kurap siya. The guy looks familiar, and puti nito, makinis ang kutis, ang ganda ng mga mata na mayroong light brown eyeballs. His pointed noise perfectly shape, same with his thin, heart shaped naturally red lips. Hindi niya namalayan na nakaawang na pala ang bibig niya. “Hey, are you alright?” pukaw nito sa kanya. Kumislot siya. Ang tangkad nito, though matangkad na siya sa taas na limang talampakan at anim pero tinitingala pa rin niya ang lalaki. Tantiya niya’y malapit na itong mag-six feet. Ang kisig ng katawan nito, matikas at lalaking-lalaki. “Uhm, y-yes, sir. What can I do for you?” nautal pang tanong niya. “I have a reservation for a conference meeting today before lunch,” tugon naman ng lalaki. Noon lamang niya napansin ang suot nitong puting polo na hindi nakabotones sa bandang itaas kaya bahagyang nakasilip ang matipunong dibdib nito na makinis. Natatarantang binuklat niya ang reservation book. “Ahm, w-what’s your name, sir, please?”  nati-tense niyang tanong. “Devey Rivas.” Natigilan siya. Pakiramdam niya’y may kung anong mainit na bagay na humagod sa batok niya. Nang manumbalik ang kanyang huwisyo ay saka niya na-realize na si Devey nga ang kaharap niya, isang makisig nang binata. Ang iniisip niya ay ang mukha nito noong high school sila at ikinumpara sa kasalukuyan. Ang laki ng pinagbago nito. Guwapo na ito noon pero mas lalong gumuwapo. At hindi lang basta guwapo, hot na rin. Dati kasi ay medyo payat ito na matangkad. Talagang hinubog nang husto ng panahon ang katawan nito. Lalo tuloy siyang nati-tense dahil sa presensiya nito. Mahigit dampung taon na ang nakalipas magmula noong huli silang nagkita, after graduation. Posibleng hindi na nito natatandaan ang mukha niya. Wala naman masyadong nabago sa kanya. Nag-mature lang siya, naipa-rebond na rin ang gabaywang niyang buhok, balingkinitan pa rin ang katawan at tumangkad. Ni hindi nga siya pumuti, morena pa rin ang kutis niya, mana sa kanyang ina. Nakatatlong pahina na siya sa tinitngnan niyang logbook  pero hindi pa niya makita ang pangalan ni Devey. Pinagpapawisan na siya ng malamig. Basa pa ang buhok niya kaya hindi niya naitali. Nahulog na ang ilang hibla ng buhok niya sa tapat ng mukha niya. Kumislot siya nang may humawi sa hibla ng buhok niya na tumakip sa mukha niya. Napilitan siyang umangat ng mukha at tumingin sa kanyang kaharap. Nagtama ang mga mata nila ni Devey. Natulala siya nang mayuming hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na nakatakip sa kanyang mukha, pagkuwan ay inipit sa kanyang tainga. Awtomatikong naghurementado ang puso niya. Kinikilabutan siya sa ginawa nito. Mga mata ni Devey ang nasapo ng paningin niya, na titig na titig sa kanya. Napalunok siya nang inipit nito sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya. Hindi siya nakakibo habang hindi maalis ang tingin sa mukha nito. “Mabuti naman naituwid ng gamot ang kulot mong buhok. Ilang plantsa ba ang dumaan diyan?” simpatikong sabi nito. Pakiramdam niya’y bumalik siya sa panahong madalas siyang inaasar ni Devey. Pinag-iinitan talaga nito ang buhok niya. Katunayan ay noong isang araw lang niya naipa-rebond ang buhok niya sa kakabukas na salon ng kaibigan niyang si Katrina. Namana kasi niya ang kulot niyang buhok sa kanyang ina. Hindi niya pinansin si Devey, nang makita na niya ang reservation record nito. Napaaga ata ito. Alas-nuwebe pa ang schedule ng meeting nito, alas-siyete pa lamang ng umaga. Dinampot kaagad niya ang receiver ng telepono saka tinawagan ang housekeeping department para alamin kung ready na ang conference room. “Okay na po ang room, Sir. Puwede na po kayong pumunta roon,” sabi niya kay Devey pagkatapos sa kausap niya sa telepono. “Thank you,” nakangiting sabi nito. “Nine pa naman ang start namin. Puwede ba muna akong tumambay rito?” pagkuwan ay tanong nito. “Ahm, yes sir. Umupo po muna kayo sa sofa habang naghihintay,” aniya. “Hindi ba puwedeng tumayo na lang ako rito?” sarkastikong tanong nito. Hindi niya ito tiningnan. Nagpakaabala siya sa pagsusulat sa logbook. “Kayo po, sir, kung kaya n’yong tumayo ng ilang oras,” kaswal na sabi niya. Itinukod ni Devey ang kaliwang brado sa ibabaw ng desk, sa tabi mismo ng sinusulatan niyang logbook. Sinipat lang niya ang braso nitong may suot na itim na relo. Brand pa lang ng relo nito ay isang taon na niyang sweldo. “Ano ba ang tinapos mo? Bakit dito ka nagtatrabaho sa resort?” mamaya’y tanong ni Devey. “Hotel and Restaurant Management,” deretsong sagot niya. “Ah, kaya pala. Akala ko noon magiging fashion model ka kasi matangkad ka at payat. Hindi ba mahilig ka sa fashion? Naisip ko rin noon na baka magiging journalist ka kasi magaling kang mag-compose ng prose. Addict ka pa sa romance novel at mga packet books. Palagi nga kitang nahuhuli na ngumingiti habang nagbabasa,” amuse na pagbabalik-tanaw nito sa nakaraan. Akalain mong naalala pa nito iyon?   Ang husay naman ng memorya mo, naalala mo pa ‘yon? For sure naalala mo pa kung paano kita nasampal ng sapatos sa mukha,” natatawa ring sabi niya. Tumawa nang pagak si Devey. Natigilan siya. Pati ba naman pagtawa nito ang sexy? “Hindi ko nakalimutan ‘yon, Ella. Kahit nga mukha mo hindi ko nakalimutan. Paano, hindi ka maalis sa isip ko,” nakangising sabi nito. Napatda siya. Ang lakas ng impact ng sinabi nito sa kanya. Hindi niya malaman kung matutuwa, maiinis o kikiligin siya. But of course, there’s no reason to feel good at it, because this guy made her high school life miserable. Nabugbog siya ng mga supporters nito na kamuntik pa niyang ikabulag. May sumuntok kasi noon sa mata niya. Awtomatikong nabuhay ang inis niya kay Devey dahil sa alaalang iyon. “Wala kang naidulot na maganda sa buhay ko noon, Devey. Ipinapahamak mo ako,” matigas niyang buwelta. Bumungisngis pa ang loko. Mukhang walang nagbago sa ugali nito, mapang-asar pa rin. Lalo siyang nairita. “Hanggang ngayon ba naman mainit pa rin ang dugo mo sa akin? Isang dekada na ang nakalipas, Ella, mag-move on na tayo. Mag binata’t dalaga na tayo, kaya dapat mag-level up na rin ang relasyon natin,” sabi pa nito. “Ano’ng relasyon ang sinasbai mo riyan?” Tiningnan niya ito nang masama. “I mean, dapat hindi ka na galit sa akin. Dapat magbago na rin ang pagtingin natin for each other. We can spend more time for us.” “Us?” bulalas niya. “Uhu! Us,” giit nito. Natawa siya. “Us, ka riyan. Walang tayo, Devey,” mataray na sabi niya. “Pero puwedeng maging tayo, Ella,” anito sa malamyos na tinig. Natigagal siya. Pakiramdam niya’y kumapal ng tatlong layer ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Wait, ano ba itong nararamdaman niya? Kailan pa siya kinilig sa diablo na ito? Iniwasan niya ito ng tingin at nag-focus sa kanyang ginagawa. “Anyway, bakit ka naman nagtrabaho rito sa Harley’s resort? Dahil kay Jero?” mamaya ay usisa nito. Panay ang buntong-hininga niya. Hanggat maari ay ayaw na niyang makipag-usap kay Devey. Natataranta kasi siya. Hindi rin niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Galaw nang galaw si Devey sa harapan niya kaya nadi-distract siya. Tila pilit nitong kinukuha ang atensiyon niya. Mamaya ay nahagip ng paningin niya ang kuwintas nitong lumabas mula sa bahagyang nakabukas nitong polo. Hindi niya iyon napansin noong una dahil nakatago. Nang titigan niya ang pendant na suot ng kuwintas nito at natulala siya. Pamilyar sa kanya ang pendant nito. Hindi niya maaring makalimutan ang desinyo ng pendant na mayroong nakaukit na agela at ahas na nagkapulupot, maging ang dalawang litra na nakaukit ay katulad ng nakita niyang suot noon ng lalaking nagligtas sa kanya mula sa ahas. Pero imposibleng si Devey ‘yon. O baka nagkataon lang na pareho ang pendant. Imposible rin dahil nakita niyang suot ni Jero ang pendant, noong bago ang graduation nila. Tinanong pa niya kung ano ang ibig sabihin ng litrang ‘J’ at ‘H’ sa pendant. Ang sabi ni Jero ay initial ng pangalan nito iyon na Jero Harley. Pinasadya raw iyong pinagaw ng daddy nito. “Hindi pa rin pala natatagpuan ang papa mo, Ella?” mamaya ay pukaw sa kanya  ni Devey. Nawala ang konsentrasyon niya sa pendant. Napilitan siyang titigan sa mga mata si Devey. Mabilis siyang ginupo ng lungkot. Basta tungkol sa papa niya ang topic, nanlulumo siya. “Hindi,” tipid niyang sagot. “I already met your mom, and she’s cooperating with us about your father’s case. Isa ako sa miyembro sng organisasyong itinatag ng daddy ko. I think aware ka na about vampires. We can help you to find your father.” “Salamat na lang pero mahigit isang dekada na. Ilang ahensiya na ang nilapitan namin pero hindi sila nakatulong,” aniya sabay iwas ng tingin dito. “But our organization was not just focused of human’s case. Layunin din naming mapuksa ang masasamang bampira sa bansa. Mas madaling mahanap ang papa mo kung makipag-ugnayan kayong mag-isa sa amin,” anito. “At ano naman ang kapalit?” Tiningnan niya itong muli. “Wala. We don’t need money. We just want to protect all humans against vampires.” “Bahala na si mama makipag-ugnayan sa inyo,” sabi na lamang niya. “Pero hindi puwedeng hindi ka makialam.” “Wala naman akong magagawa kahit makialam ako.” “Magdasal ka. Malaking tulong na iyon.” Awtomatikong tumikwas ang isang kilay niya. Hindi siya makapaniwala na si Devey mismo ang nag-u-udyok sa kanya para magdasal. Samantalagang noon ay maharot ito kapag praying session na nila sa klase. Hindi ito seryoso sa pagdadasal. Pero hindi na niya iyon kinuwesyon. Naibaling na naman niya ang tingin sa dibdib ni Devey, kung nasaan ang pendant nito. Pero sa pagkakataong iyon, mas pinansin na niya ang nakasilip nitong dibdib. Hindi niya akalain na magiging matipuno ito.  Kung tutuusin mas maganda pa nga ang katawan ni Jero rito. Kung sa bagay, mas matanda ng tatlong taon dito si Jero. Medyo late na kasing nakapag-aral si Jero. Speaking of Jero, nagpakita na rin ang bulto nito kaya lang kasama ang tatay. Habang papalapit ang mga ito sa kanya ay unti-unting nababalewala niya ang presensiya ni Devey. Pero ang nakapagtataka ay hindi na siya gaanong nae-excite kapag nakikita niya si Jero. Hindi ‘tulad noong una na para siyang hihimatayin sa kilig. Naroon pa rin ang kabog sa dibdib niya pero hindi na katulad noon. Ang weird. “Devey, ang aga mo naman, ata?” wika ni Serron kay Devey.  Parang kapatid lang ni Jero ang tatay nito, guwapo at parang hindi tumatanda. “Nakakainip kasi sa bahay.”sagot naman ni Devey, nang harapin nito ang ginoo. “Nagkita ba kayo ni daddy, Tito?” “Ah, hindi, eh. Baka nasa CDO,” anang ginoo. Ibinaling ni Ella ang atensiyon kay Jero na nagsusulat na ng pangalan nito sa logbook. Nililista kasi roon ang pangalan ng mga pumapasok na may kalakit na pirma, kahit pa bisita o may-ari ng resort, for security purpose. “Good morning, Sir!” kaswal na bati niya kay Jero. Ngumiti naman ito. “How’s your first day here?” pagkuwa’y tanong nito. “Ahm, okay lang. Medyo kinakabahan pa. First-time ko kasing maging receptionist.” “Ganyan talaga pero masasanay ka rin.” “Oo nga. Ah, salamat nga pala sa pag-welcome mo sa akin rito kahapon. Napanaginipan ko pa ang moment na iyon,”  natatawang sabi niya. “Maliit na bagay. Sige,” anito saka siya tinalikuran. Pagkatapos ay si Serron naman ang pumirma. “Hindi pa pala ako nakapirma,” mamaya’y apela ni Devey. Tinapik lang ni Serron ang likod nito saka umalis. Tinitingnan niya ang kamay ni Devey habang nagsusulat. Capital litter pa lahat ang pagkakasulat nito sa pangalan nito. “Si Jero ba ang nag-hire sa iyo rito?” tanong ni Devey, habang nagsusulat. “Nag-apply ako pero siya ang nag-approved sa akin para magtrabaho rito.” “Talaga?” Tumayo ito nang tuwid. “So, meaning may tiwala siya sa kakayahan mo.” “Noon pa kami may usapan. Ang sabi ko kasi gusto kong magtrabaho sa hotel na pamamahalaan niya sa future.” “Ah, ibig sabihin mas naging close pa kayo noon after na tulungan ka niya sa promissory note mo? O baka naman nagpakalunod ka na sa kabaitan niya. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na si Jero ay isang famous heartbreaker para sa kababaihan, kaya huwag mo masyadong bigyan ng malalim na kahulugan ang kabaitan niya, wasak ‘yang puso mo.” Nainis siya sa sinabi nito, tila sinisiraan pa sa kanya si Jero. “Kumpara sa ‘yo, mas may tiwala ako kay Jero,” mataray na buwelta niya. “Pilyo ako pero kaya kong magmahal pabalik, e si Jero, he doesn’t care about love. Nagbibigay lang siya pero hindi siya tumatangap at gumaganti. Once nalaman niya na in love ka sa kanya, mawawalang bisa na rin ang pinagsamahan ninyo kung ano man ‘yon.” “Saan mo naman napulot ang ideyang in love ako sa kanya?”  aniya. “Obvious naman noong high school pa na may gusto ka sa kanya. Kapag absent si Jero, para kang namatayan. Ni hindi ka napipikon sa pang-aasar ko. Kapag nariyan naman si Jero, ang sigla mo at nagiging palaban. Lumalakas ang loob mo kapag nariyan si Jero. He means a lot in your life. He hot your attention effortless. And maybe because he protects you, helps you in times that you need someone to cares for you.” “How did you know that? Stalker ba kita? Bakit alam mo lahat?” curious na tanong niya rito. Tumawa nang pagak si Devey. “Well, sounds crazy but I could call myself a stalker sometimes. Pero sa ‘yo ko lang ito nagawa. You know why?” Hmalukipkip ito habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa kanya. “Because I felt something special from you. I can’t stop myself from being stupid because I can’t get your attention effortless like Jero does,” seryosong wika nito, pero bigla ring natawa. “Natatawa na lang ako sa sarili ko sa tuwing naaalala kita. Hindi ko akalaing magiging obsess ako sa isang babae.” May ilang sandaling walang kibo si Ella habang nagsi-sink in sa utak niya ang mga pinagsasabi ni Devey. Hindi siya makapaniwala. Sinasabi ba talaga nito iyon? Anong nangyayari sa lalaking ito? O baka umaandar na naman ang pagpapantasya niya sa kanyang imaginary prince charming na hindi niya mabigyang buhay sa katauhan ni Jero. “But honestly, I missed you, Ella,” seryosong wika nito sa paos na tinig. Kumislot pa si Ella nang biglang sumikdo ang puso niya. Nagulat siya sa reaksiyong iyon ng kanyang puso. Talagang binulabog siya ni Devey, in just an hour, tila magbabago ang routine niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD