Chapter 19

2893 Words

DALAWANG araw nang nasa bahay ng mga Rivas si Ella, isang araw namang hindi nakauwi si Devey. Inaasikaso raw nito ang misyon ng grupo nito at sinisimulan na nito ang pagtukoy sa kinaroroonan ng mama niya. Dalawang gabi na siyang hindi nakakatulog nang maayos dahil sa pag-aalala sa mama niya. Lunes ng umaga, alas-otso na siya nagising dahil mag-uumaga na rin siyang nakatulog. Pagtingin niya sa mga inipon niyang labahin ay nagulat siya nang wala na roon sa banyo. Nagmadali siyang naligo at bumaba. Nadatnan niya si Derek sa sala at nanonood ng telebisyon, habang pumapapak ng hinog na papaya. Si baby Damian naman ay nakasalampak sa sahig at naglalaro ng laruang robot. “Good morning, ate Ella!” bati sa kanya ni Derek. “Morning!” balik niya. “Si mommy?” “Nandoon sa laundry room naglalaba,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD