Chapter 14

2594 Words

NAGISING si Ella dahil sa nakakakiliting bagay na kumakalikot sa tainga niya. Kakalikutin pa sana ni Devey ng balahibo ng ibon ang tainga niya pero mabilis niyang naitabing ang kamay nito. “Ano ba!” asik niya. “Bangon na,” nakangiting sabi nito. Saka lamang niya namalayan na nakahiga siya sa kama sa loob ng hindi pamilyar na kuwarto. “Nasaan tayo?” pagkuwa’y tanong niya. “Nandito tayo sa CDO.” “Anong CDO?” “Cagayan De Oro.” “Pinagluluko mo ba ako, Devey?” “No, seryoso ako, Ella.” Bumalikwas siya nang tayo. Lumapit siya sa bintana saka binuksan ang sliding window na may makapal na salamin. Wala siyang ibang nakikita kundi kabundukan at kakahuyan. Nalula siya sa taas ng kinaroroonan nila. Hinarap niyang muli si Devey. “Bakit tayo nandito? At paano tayo nakarating dito?” mag-asawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD