Chapter 2
"Ulitin mo yung second verse Shyne."-Woozi
"Okay."
Huminga muna ako ng malalim at nagsimula na ngang ulitin yung second verse. Eto na yung last song na irerecord namin for our second album.
"Okaaaaay! Good!"-Woozi
"Salamat!!"
Inayos ko na yung headphone at lumabas na ng recording studio. Tapos nagpunta ako dun sa studio ni Woozi .
Nandito rin yung ibang members. Ako ang pinakahuli na nagrecord kaya ineedit nalang ni Woozi yung kanta at pwede niya nang iparinig samin.
"Ate Shyne,kinain mo ba yung chocolate ko kagabi??"-Mingyu
"Ako?? Hindi ah!"
"Sabi ni Kuya Jeonghan nakita ka raw niyang nagbukas ng ref kagabi."-Mingyu
"Uminom lang akong tubig. Tsaka paano niya ako nakita nun e 2:30 na ng madaling araw yun. Unless gising din talaga siya at may kinuha sa ref."
Sabay naman kaming tumingin kay Jeonghan.
"Kuya Jeonghan!!"-Mingyu
Tapos tumawa lang siya.
"Bwisit ka. talaga ako pa ituturo mo!"
"Natakam kasi ako sa chocolate e Mingyu sorry na."-Jeonghan
"Sira ka talaga."-Joshua
"Okay guys eto na."-Woozi
Tumahimik na kaming lahat at pinakinggan na yung huling kanta na nirecord namin ng halos tatlong araw. Sa lahat ng mga kanta namin ngayong comeback, eto talaga ang pinakagusto ko. Sobrang ganda ng lyrics at ng melody. Ang galing talaga ni Woozi.
Oo, si Woozi ang gumagawa at nagpoproduce ng mga kanta namin. Medyo mababa pa kasi ang income ng company namin kaya talagang kami kami lang ang nagtutulungan para sa mga albums na ilalabas namin.
At sobrang swerte namin dahil napunta sa amin si Woozi.
"Ang gandaaa. "-DK
Sumang ayon naman kaming lahat sa sinabi ni DK.
"Okay na no? O may gusto pa kayong baguhin?"-Woozi
"Wala na Woozi. Okay na. "-Cheol
Ngumiti naman siya samin bago humarap ulit sa mga computers niya. Grabe. Spell talent?
----
"Tungkol saan daw pagmimitingan natin?"
"Hindi ko rin alam e. Basta sabi ni Manager magpunta tayo dito."-Cheol
"Kinakabahan ako ah."-Jun
"Always naman e Jun."-Minghao
Maya maya lang din,pumasok na si Manager Joel at nagulat kami ng may mga kasunod siyang mga camera. Hala. May shooting ba kami ngayong araw??
Tumayo na siya sa gitna at ramdam na ramdam namin ang tensyon. Siya ang pinakamataas sa company namin kaya naman halos lahat samin ay takot sa kanya. Si Cheol lang yata at Jeonghan ang mga hindi.
"Guys,batiin natin si Manager."-Cheol
Sabay sabay naman kaming humati sa kanya ng "Magandang hapon Sir!"
Tumango lang siya samin.
"Alam kong nagulat kayo sa biglaang pagpapatawag ko sa inyo ngayon at syempre dito sa mga kasama ko. Pero simula ngayon, ibabalik niyo muna sa akin yang mga singsing ninyo."-Manager Joel
"Po??"-Cheol
Nagulat kami. As in! Bakit ibabalik namin sa kanya ang mga singsing namin? Napakahalaga nitong bagay na to para saming lahat.
Eto kasi yung tanda ng pagkakaibigan naming lahat. Eto rin ang simbolo na iisa kami, at walang maaaring makapaghiwalay kahit na sinuman o anuman.
Alam yun ni Manager Joel. Pinag ipunan naming lahat to. Pinagpaguran namin lahat to para mabili namin.
Pagkatapos kukunin niya lang bigla bigla?
"T-teka lang po Manager.Bakit naman po ninyo kukunin samin to? Alam niyo naman po kung gaano kaimportante to para samin."
"Oo alam ko. Kaya nga kukunin ko sa inyo dahil alam kong imporyante yang bagay na yan sa inyo."-Manager Joel
Napatingin na rin ako sa mga camera. Bakit kailangan pang mga ganyan? Ano bang binabalak ni Manager??
"Bago ang comeback ninyo na kulang dalawang buwan nalang, ipapadala ko kayo sa isang lugar kung saan kailangan ninyong mamuhay ng kayo kayo lang. May mga camera? Oo meron. Pero wala kayong makukuhang suporta mula sa amin."-Manager
HA? Ano raw????
"Ibig pong sabihin sariling pera lang po namin ang gagamitin namin dun?"-Wonwoo
"Hindi rin. Wala kayong dadalin na pera na galing sa sariling bulsa niyo. Maghahanap kayo ng trabaho dun at yun ang magiging pera niyo sa loob ng isang buwan."-Manager
"Pero Manager! Malapit na po ang comeback namin."-Hoshi
Ang labo naman. Wala ba siyang balak na pagpahingahin kami??
"Ang gusto ko lang ay maipakita ang tatag ng loob ninyo at kung gaano niyo pinagkakatiwalaan ang bawat isa. Napakahalaga nun para sa isang grupo. Alam naman natin na marami na ngayon ang nadidisband dahil lang sa maliliit na isyu. At ayokong mangyari yun sa inyo."-Manager
"Kailan po ang simula niyan?"-Woozi
"Mamayang gabi."-Manager
"Mamayang gabi na po agad??"
Napabuntong hininga nalang ako. Tiningnan ko sila isa isa at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat, takot at pagod.
Gusto ko sana siyang sagutin nang "Ulol! Gusto mo lang kaming gamitin para mas makilala yung company natin!"
Sana man lang kahit papano pagpahingahin niya kami diba??
------
"Wala ka nabang naiwan Shyne?"-Hoshi
"Wala na. Okay na siguro to. "
"Guys, tara muna dito. Mag usap usap muna tayo."-Cheol
Lumapit naman kaming lahat kay Cheol.
"Alam kong lahat tayo mga pagod na. Wala pang pahinga. At alam kong ginagawa lang to ni Manager para magkapondo ang company natin. Kaya ipakita natin sa kanya na makakapaglabas tayo ng magagandang contents at papanoorin pa tayo ng mas maraming tao. "-Cheol
"Okay kuya. Ako nang bahala diyan."-Seungkwan
"Basta magtulung tulong tayong lahat. Ilang taon na tayong magkakasama. Kaya alam kong matatapos natin tong task na to."-Cheol
"Oo naman. Wala lang talagang bilib satin yung matandang yun."
"Huy bibig mo Shyne! Hahaha."-Jeonghan
"Totoo naman eh."
"Nandyan na yung mga van."-Vernon
Isa isa na kaming lumabas at sumakay sa van. Kasama ko sa van sila Hoshi, Woozi, Mingyu, Jeonghan, Joshua at Cheol.
Habang nasa byahe,umidlip muna ako. Kanina pa kasi talaga ako antok na antok. At saka past 12 na rin naman.
Ang kaso hindi ako makatulog ng maayos kasi umaalog yung ulo ko kapag napapasandal ako sa bintana.
"Hay nako Shyne."
Inayos naman ni Jeonghan yung ulo ko at sinandal sa balikat niya.
Minsan maaasahan din talaga tong lalaking to.
------
"Shyne...Shyne nandito na tayo."-Jeonghan
"Sure ba talaga sila dito tayo sasakay?"-Hoshi
Dumilat na ako at inayos ang mukha ko bago ako bumaba ng van. Nakita ko rin yung mga cameraman na mukhang sasama yata samin.
Mukhang malayo ang pupuntahan namin ah.
Inayos ko na yung bag at maleta ko.
"Ate Shyne."-Dino
"O bakit?"
"Kuya Cheol! Hindi mo ba sila pwedeng kausapin?"-Dino
"Kanina ko pa tinatawagan si Manager,Pero hindi sumasagot. "-Cheol
"Grabe naman yun."-Minghao
Pero teka, saang lugar ba kami pupunta?
"Nandito na yung barkong magsasakay sa inyo!"
"A-ano raw??"
"Sa barko raw tayo sasakay ate Shyne."-Dino
ANOOOOOO?