ISANG GABI lang akong na-confine. Di naman ako dinugo, sadyang nahimatay lang ako kahapon. Tapos OA lang sa lahat ng OA si Dimitri pinaconfine talaga ako ng loko para sure daw. Eh wala namang nagbantay sakin kagabi kahit isa sa kanina. "Mrs. Yummy ko, what's with the face?"maaga palang nandito na ang lalaking ito. Ang daming dalang pagkain samantalang kaming dalawa pa lang naman ang nandito. "Tse! Wag mo akong kausapin"pagtataray ko. Ang sama ng loob ko, after ng makapagbagbag damdaming drama namin kagabi iniwanan ako. Kasura siya. "Sorry, hindi na ako pinakawalan ng kapatid mo. Ayaw niya akong makabalik dito, even I sneak in here kaninang madaling araw they stop me"paliwanag niya. Di ko pa din siya pinansin kahit anong paliwanag niya. Hanggang sa makapag-out na ako ng ospital. Sa

