SA LOOB NG ISANG buwan ang daming nagbago sa buhay ko. Para nga akong nalulula sa lahat ng pagbabago. May sarili na akong bahay ngayon na bigay sakin ng tatay ko. Pero hindi ko tinitirhan dahil mas gusto ng tatay ko na makasama ako sa bahay at ang anak ko. "Ate, may bulalak na dineliver"parang kiti-kiting nagtititili ang kapatid kong si Merideth. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sa loob ng isang buwan ngayon nalang ata nagparamdam si Dimitri. Siya lang naman ang naiisip kong may padala ng bulaklak sakin. "Ay! Hindi pala sayo"biglang sabi ni Merideth. Napataas ang kilay ko. "Sakin pala ha ha ha ha..."alanganin siyang tumawa tapos dahan dahan na umalis sa harapan ko. "Nanay, leleyt na po ako"tawag pansin sakin ng anak ko. Doon ko lang napansin ang anak ko. Papasok na nga pala ka

