"Daddy, what's this all about ba? Why so sudden?" taka kong tanong. "Just.. don't ask too much, anak okay? Umuwi na lang muna kayo dito para makatiyak ako na—" "No. We're not going home hangga't hindi pa natatapos ang exams namin, daddy." madiin kong wika at napatingin kay Kieran. "Mia!" rinig kong tumaas ang boses ni daddy sa kabilang linya. "Maybe you can force Kieran to go home but not me, daddy. We're in the middle of taking our final exam for pete's sake! Hindi mo pa pinapaliwanag sa akin ang dahilan mo, how am I supposed to understand?" bahagyang tumaas ang boses ko sa hulihan ng aking sinabi. Natahimik ang kabilang linya kaya napalunok ako. Ibabalik ko na sana kay Kieran ang cellphone nang biglang magsalita si daddy. "They want revenge, anak." saad niya na ikinatigil nami

