KIERAN'S POV Gabi na ng makauwi ako sa condo. Dahan dahan kong sinwipe ang key card at agad na bumungad sa akin ang tahimik at madilim na silid. Napakunot ang noo ko. Bakit ang dilim? Nandito na dapat si Clarisita dahil kanina pa pala sila umuwi sabi ng kapatid ni Calyx. Inilagay ko lang ang mga dala kong libro at notebook sa mini table at dumiretso sa kwarto niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses at ng walang sumagot ay mabilis ko iyong pinihit. She's not here. Nagtungo ako sa kusina at napansin ang hugasin sa lababo. Teka.. wala to bago ako umalis ah? Ibig sabihin nagpunta na dito si Clarisita. Napapalatak ako ng mapagtantong nagluto siya dahil nasa hugasin din ang ibang ginamit niya. Hinanap ko ang niluto niya pati sa reef pero wala akong makita. "Dinala niya? Saan niya

