KIERAN'S POV "Next!" Mabilis akong tumayo at lumapit sa maliit na bintana kung saan ang transaction ng cashier dito sa school namin. Ibinigay ko agad ang id at iba pang papers na gagamitin para sa transaction kasama na ang pera. Nandito ako sa school ngayon dahil nagbabayad ng tuition fee para sa last semester ko dito. Napabuntong hininga ako nang maibalik ang resibo sa akin kasama ang id. Hindi na muna nagpatuloy sa pag aaral si Clarisita dahil gusto niya daw munang magfocus sa pagbubuntis sa anak namin. Hindi ko naman kayang tumutol dahil alam kong makakasama lang sa kaniya kung magpapatuloy siya dahil medyo dumadami ang ginagawa namin. Wala sa sarili akong napangiti habang naglalakad papalabas ng school. Pumasok kasi sa isipan ko ang unang pagkikita namin ni Clarisita noon dito

