MIA'S POV "Yes dad, he's fine na daw po. The nurse said mild lang naman daw at walang ibang naaapektuhan. He can already lakad na nga po eh." sambit ko habang nasa tenga ang cellphone at kausap si Daddy sa kabilang linya. We told him about sa nangyari kasi and he's actually worried. "Mabuti naman kung ganoon. Can I talk to Kieran, anak?" rinig kong saad ni daddy kaya mabilis kong inilahad kay Kieran ang cellphone. Nandito kami ngayon sa condo at hindi na muna nagpunta ng school dahil sa nangyaring aksidente kahapon. Ayaw ko namang iwan dito si Kieran kahit na halos magmakaawa na si Raine na samahan ko, nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam para hindi na siya mangulit pa. "Magandang umaga po, sir." magalang niyang bati at atentibong nakinig sa sinasabi ng daddy ko sa kabilang

