MIA'S POV "Mia anak, where did you go? Kanina pa ako naghahanap sayo, hindi kita mahanap." bungad ni mommy sa akin pagkalabas ko ng banyo dito sa room ko. She's here, inside my room pala. "Uhmm sa likod lang po, mommy. Nagpahangin." pagpapalusot ko at agad na nag iwas ng tingin. Dumiretso ako sa walk in closet at naghanap ng pwedeng isuot. "How's the talk with tita Alicia, mommy?" tanong ko pagkalabas ng walk in closet. "Well, you know Alicia. She said yes, hindi talaga iyon tatanggi kapag si mama na ang magrerequest eh." marahan niyang saad. Napatitig ako kay mommy. Nagbuntong hininga ako at mabilis na nagsuot ng damit. "It's okay, mommy. I think lola dear knows that you're a busy woman kaya hindi ka na niya gustong istorbuhin." I softly said. Truth is, kanina sa hospital ay

