MIA'S POV Pagkapasok ko palang sa front seat ay agad niya akong binalot sa mainit niyang yakap at tuluyang napaiyak habang nakasubsob sa aking dibdib. Napabuntong hininga ako at pinaglaruan ang buhok niya. "I'm sorry, baby... w-wag mokong iwan pleasee? Hindi ko n-naman gusto iyon eh.." parang bata niyang sambit at humigpit pa ang yakap niya. "Hushh now, Kieran. Wala naman akong sinabing iiwan kita. Nakita ko namang tinulak mo ang higad na iyon." asik ko kaya nagtaas siya ng tingin. Namumula ang ilong niya at punong puno ng luha ang mga mata. Kawawa naman ang isang to. Parang baby talaga. Ang bilis umiyak! "G-Galit ka sa a-akin eh.." nag aalangan niyang wika habang nakatitig sa mukha ko. Inirapan ko siya at pinunasan ang kaniyang pisngi. "Hindi ako galit, naiinis lang. Siyempre

