MIA'S POV Nauna akong bumalik sa classroom kesa kay Kieran. Of course! Baka ano pang isipin ng mga kaibigan ko kapag nagsabay kami diba? Gaya ng inaasahan ko ay talaga namang ginisa nila ako sa tanong. "Saang lupalop kaba kasi napadpad, Mia?" nakangusong tanong ni Christine habang pumapapak ng piattos. Kumuha ako doon at mabilis iyong isinubo. "Nagpahangin lang. Naiistress ako sa lalaking iyon eh!" kunwari ay gigil kong saad. Shit! Kailangan kong galingan ang arte para maniwala sila. Ang totoo niyan ay wala parin ako sa tamang pag iisip ngayon dahil paulit ulit na nagpeplay sa utak ko ang huling sinabi ni Kieran. Sino ba namang di magugulat doon?! My gosh! Liligawan niya raw ako? Like seriously?! Sa gulat ay hindi ako nakasagot at talagang natuod sa kinatatayuan niya. "Nag awa

