KIERAN'S POV "Ano pare? Nagkausap na kayo?" bungad na tanong ni Jeffrey sa akin pagkarating ko sa cafeteria. Tanghali na at nasa school na ako pero hindi parin ako tinatawagan o tinitext ni Clarisita. Nakakabaliw! Miss ko na siya! Miss ko na ang boses niya. Tangina! Napabuntong hininga ako at pabagsak na naupo sa bakanteng upuan. "Problemado ah? May LQ?" puna ni Jacob sabay tapik sa aking balikat. Mas lalong bumusangot ang aking mukha nang marinig iyon. Panay ang check ko sa aking cellphone, baka sakaling may text siya o tawag pero wala! Nagkatawagan naman kami kagabi pero sandali lang iyon dahil nakatulog ako agad dahil sa pagod mula sa biyahe. "Order na tayo, kakaunti na lang ang pila oh!" anyaya ni Jeffrey sabay tayo. Nagsitayuan din sina Jacob at ang iba naming kasama sa mes

