MIA'S POV Hindi ako mapakali pagkabalik ko sa classroom. Kieran is still not here dahil gaya ng madalas naming gawin ay hindi kami nagsasabay. I turned and glanced at Laravel na tahimik lamang sa kaniyang upuan habang pinaglalaruan ang ballpen ni Kieran na hiniram niya. Napalunok ako. Ano kayang iniisip niya? Should I talk to her? Para hindi niya sabihin sa iba? Kapag kumalat ang balita dito sa school ay sigurado akong malalaman iyon ni daddy. Isa pa naman siya sa investors dito. Oh goshh... Natatakot ako para kay Kieran, daddy will be mad at him at baka hindi na siya pag aralin. His job is to guard me not to be my lover. "Are you okay, Mia?" kunot noong tanong ni Raine sa akin. Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko. Nginitian ko lang siya at tumango tango. Mabuti na lang

