MIA'S POV "May litrato ka ba ng nanay mo, Mary Rose?" kabado kong tanong. "Ay, wala akong dala ate eh. Naka picture frame kasi ang litrato ko kay nanay sa kwarto ko hehe para kapag mamiss ko siya ay iyo lang ang yayakapin ko. Teka, bakit ba tungkol sa pamilya ko ang pinag uusapan natin ate. Dapat tungkol doon sa cheater kong boyfriend eh!" Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, I'm asking too much personal informations na pala sa kaniya. "Oh well, sorry. Let's go back to the topic." nahihiya kong wika. Napatingin ako kay Kieran na nakatitig pala sa akin. Kunot ang noo niya at alam kong napansin niya ang reaksiyon ko kanina. "Ayun na nga ate, anong pwede kong gawin para mawala tong sakit dito?" nakanguso niyang sambit at muli na namang nangilid ang luha sa mga mat

