MIA'S POV "Sa backseat tayo hija ha?" bulong ni tita Alicia sa akin paglabas namin ng bahay. Kunot noong napatingin si Kieran sa aming dalawa, nagtataka sa pagbubulungan namin. "Sure po, tita." saad ko dahil pansin ko simula kanina ang awkward na atmosphere sa kanilang dalawa ni Attorney Samaniego. Hindi nila sinagot ang tanong ko kanina kung magkakilala ba sila or not but I think they really know each other. "Sa front seat ka raw, baby." saad ko kay Kieran at tinapik ang kaniyang balikat. Wala na siyang nagawa dahil nauna nang pumasok sa back seat si tita, alangan namang ako yung nasa front seat diba? Hindi naman kami close ni Attorney Samaniego. Pagkarating ni Attorney kanina sa bahay ay hinintay niyang magising si Kieran. I was about to wake him up pero pinigilan ako ni attorney

