MIA'S POV Weeks passed habang nasa bahay lang ako. Daddy wouldn't let me go out kahit na sa bayan lang naman ng Kangara dahil delikado pa raw. Mas dumami din ang mga bodyguards sa mansion namin, at pansin kong napermi din sina mommy at daddy sa mansion. Kung kagaya pa ito ng dati ay sigurado akong matutuwa ako dahil palagi kaming magkasama. But nagbago na iyon simula nang malaman ko ang mga sikreto ni daddy. I am trying to act normal when mommy and lola dear are around pero kung si daddy lang ay hindi ko siya kayang pakisamahan na gaya ng dati. I know I'm hurting him, but I just can't.. Nag iba ang tingin ko sa kaniya, lumayo ang loob ko sa kaniya. He's not my daddy I used to know. After that night na narinig ko ang boses niya mula sa kanilang kwarto, talking about girls, I conclu

