Pagkatapos niyang magsimba ay dumalaw na muna siya sa mansion nila. Namimiss na niya ang mommy niya, matagal tagal na rin siyang hindi nakakadalaw sa mga ito. . Mabuti na ring tumambay siya sa mansion nila kaysa sa umuwi sa bahay na wala ang asawa niya na lampas langit ang galit sa kan'ya. " Lyka, anak....Namiss kita sobra! How are you iha? You look pale and thin anak, are you okay?" nag-aalalang tanong ng mommy niyang si Jamilla nang makita siya nito. They both hugged each other tight , na miss nila ang isa't isa. "I-Im fine mommy, s-siguro iniisip ko pa rin ang nangyari..." malungkot niyang saad. Kasalukuyan silang nakaupo ngayon sa mahabang sofa sa sala.Nakita niya ang mukha ng mommy niya na tila hindi kumbinsido sa sinasabi niya. " A-Anak, sa akin ka nanggaling at ako ang nag-alaga

