Hindi niya alam kung paano ilalarawan ang sayang nararamdaman sa sandaling iyon nang makita ang dalawang linya sa pregnancy kit na binili niya. Napayakap siya sa sarili nang makita ang resulta.Tama ang hinala niya, b-buntis nga siya.Kaya pala kagaya ng dati ay nahihilo siya, pakiramdam niya ay masusuka siya at palagi siyang may gustong kainin.Napakasaya niya at naiiyak siya , akala niya ay habang buhay na siyang mabubuhay sa kalungkutan, akala niya ay habang buhay niyang sisisihain ang sarili niya sa pagkawala ng mga unang supling niya.Mahal pa rin talaga siya ni god dahil hindi nito hinayaan na kalungkutan na lamang ang yayakap sa kan'ya sa tanang buhay niya. Excited na talaga siya, someday may bata na siyang kasama sa bahay na ito or sa mansion ng daddy niya rito. HIndi naman niya haban

