Nagising siya sa masarap na amoy na galing sa kusina. Naglakad siya patungo sa kusina at inabutang nagluluto si Quatro. She 's wondering kung paano nito inislice ang mga gulay with only one arm. "Good morning Lyk. Tara,umupo ka... Malapit nang maluto ito, sabay na tayong kumain. Siyangapala pinakealaman konna ang laman sa ref mo to cook soup for you!" nakangiting wika nito. Pinagpapawisan na ang binata habang nakaharap ito sa kaldero pero hindi naman nabawasan ang kagwapuhan nito. Lintik talaga, Coloner eh! Lumapit siya kay Quatro upang kunin ang sandok sa kamay nito. Alam niyang in pain pa rin ang binata kaya kinuha na niya sa kamay nito ang sandok upang patigilin na ito. "Hindi naman kita inutusang magluto noh, atsaka ang sabi ko magsisimula ka kapag okay na 'yang braso mo... Baka mam

