"Huwag mo akong subukan Carly, dahil hindi mo pa ako kilala. Sa tingin mo papayag ako sa gusto mo na doon mo ipapanganak sa inyo ang anak ko? Hindi, kaya huwag mo akong susubukan." Matalim ang tingin ni Zandro kay Carly habang hawak hawak nito ang kanyang magkabilang braso na isinandal sa wall ng condo.
"Nasasaktan ako Zandro, bitawan mo ako. Gusto ko lang naman sana na hindi ako mahihirapan sa panganganak ko, gusto ko sana na nasa tabi ko si inay pag manganganak ako. Nahihirapan ako Zandro, nahihirapan ako dahil nag iisa lang ako dito," mangiyak ngiyak na saad ni Carly.
"Pag sinabing ko na dito ka lang, dito ka ka lang." Lalong diniinan ni Zandro ang pagkakahawak sa braso ni Carly, bago ito umalis sa kanyang harapan.
Napa upo na lang si Carly sa sahig dahil kaba at takot na pinaparamdam ni Zandro sa kanya. Hindi ito ang Zandro na nakilala niya mula pagkabata, likas na suplado at bilang na bilang ang mga ngiti nito pero mabait at mapagmahal ito lalo na sa pamilya kaya nga labis ang paghanga niya dito mula pagkabata nila. Kaya nagtataka si Carly dito biglaang pagbabago ng pinapakita ni Zandro, naging lalong suplado ito na parang walang puso kung siya ay tratuhin.
"Hello inay, pasensya na po dahil hindi ako makakauwi sa ngayon. Ayaw po kasi akong payagan ni Zandro," saad ni Carly sa kabilang linya nang tawagan niya ang kanyang ina sa probinsya.
"Paano ang panganganak mo anak? Wala kang kasama diyan, walang mag aalaga sa iyo? Paano kaya kung ako na lang ang pupunta sa iyo diyan upang samahan ka, ako na lang ang pupunta diyan para alagaan ka?" nag aalalang tanong ng kanyang ina sa kabilang linya.
"Huwag na po inay, huwag na po kayong mag alala sa akin dahil ok na ok lang ako dito. Inaalaagan naman po ako ni Zandro dito at hindi pinapabayaan. Sige na po inay, paaalam na po dahil kakain na kami ng hapunan ingat po kayo diyan," paalam ni Carly sa kabilang linya at agad pinatay ang kanyang cellphone.
Ayaw ni Carly sabihin sa kanyang magulang ang totoong kalagayan niya. Ayaw niya itong mag alala pa sa kanya kaya sinasarili na lang ni Carly ang kalungkutan at ang malamig na trato sa kanya ni Zandro.
Mabuting ama si Zandro sa kabilang banda dahil totoo naman na hindi siya nito pinapabayaan pagdating sa pangangailangan ng kanyang anak. Pero, tanging sa anak lang wala ng iba.
********
Kapit kapit ni Carly ang kanyang tiyan dahil sa sakit na kanyang nararamdaman pakiramdam niya ay lalabas na bata sa kanyang sinapupunan, kaya agad niyang pinuntahan si Zandro sa kanyang kwarto.
"Zandro.. Zandro.. " Katok katok ni Carly ang pinto ni Zandro, pinipilit pinipalakas ang kanyang boses upang magising si Zandro.
"Zandro!" sigaw ni Carly kasabay ng malakas na paghampas nito sa pintuan ng kwarto ng binata.
Napaupo si Carly dahil sa parang tubig na umaagos sa kanyang hita kasabay nun ang lalong pasakit na pasakit ang kanyang tiyan.
"Ano!? Gabing gabi na nangbubulahaw kapa!" singhal ni Zandro kay Carly pagkalabas nito ng kanyang kwarto.
"Carly!! What the!" Hindi alam ni Zandro ang kanyang gagawin nang makita ang totoong kalagayan ni Carly.
"Manganganak na yata ako, please dalhin mo ako sa hospital," saad ni Carly na waring nanghihina na at lapot na lapot na ang kanyang pawis.
Agad naman binuhat ni Zandro si Carly. Wala na siyang paki alam kung nakapangtulog pa siya ng oras na'yon, basta ang mahalaga madala niya agad si Carly sa hospital.
Lakad dito, lakad doon ang tanging nagagawa ni Zandro habang ang kanyang dalawang kamay ay hindi rin palagay kung ano ang kanyang gagawin. Mabuti na lang at nadala niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ina na nasa probinsya, hindi niya kasi matawagan ang kanyang kapatid sapagkat ito'y nagtatago dahil sa issues na kinakaharap nila ng dati nitong kasintahan. Ang kanyang ama naman ay nasa ibang bansa kasama ang kanyang step mother.
"Hello Ma, ahm... Pwede po ba kayong pumunta dito ngayon? Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, nanganganak na po si Carly. Please Ma, help me," saad ni Zandro sa kanyang ina.
"Ok anak, wait mo ako d'yan ha. Basta relax ka lang at huwag mag panik ok? Kaya ni Carly 'yan, basta ang gagawin mo ipag pray mo lang si Carly na maging maayos ang kanyang panganganak, at maging healthy ang inyong baby," tugon ng kanyang ina sa kabilang linya.
Napasandal si Zandro sa wall ng hospital at napa buntong-hininga.
Lumaki si Zandro sa isang broken family kaya hindi niya naranasan ang kompletong pamilya na kanyang minimithi. Basta nang magkaisip siya nalaman na lang niya, at naintindihan kung bakit may kanya kanya nang pamilya ang kanyang ina at ama.
Hindi naman magulo ang relasyon ng dalawang pamilya niya at nagkakasundo ito sa kung paano siya palakihin at mabuhay ng maayos pero, may inggit pa rin siyang nararamdaman dahil sa kanyang nasasaksihan sa kanyang mga kaibigan na may kumpleto at masayang pamilya. Pinangarap din ni Zandro na may ganoon siyang pamilya may totoong ina at ama siyang kinalakihan sa iisang bubong o bahay na maituturing pero suntok sa buwan dahil may kanya kanyang pamilya na ang kanyang ina at ama.
"Mr. Salvador?" tawag ng doctor na nagpaanak kay Carly kay Zandro nang lumabas ito sa delivery room.
"Kumusta po Doc, ok na po ba si Carly?" nag aalalang tanong ni Zandro sa doctor.
"Congratulations, naging maayos at healthy si baby nang ilabas siya ni Mrs. By the way may pupuntahan pa akong pasyente si Carly nasa isang room na pwede mo na siyang puntahan doon at hintayin ang inyong baby boy," saad ng doctor at agad din itong umalis.
"Baby boy?" bulong ni Zandro sa kanyang isip dahil ngayon lang niya nalaman ang gender ng kanilang anak.
Mula kasi nang malaman niyang nabuntis niya si Carly dahil sa kalasingan ay hindi na niya pinagkaabalahan na intindihin ito at pagmalasakitan.
Noong una nga ayaw sana niyang tanggapin at akuin ang anak na dinadala ni Carly, dahil hindi niya ito gusto at alam niyang mula pa pagkabata nila ay malaki na ang gusto nito sa kanya kaya iniisip niyang sinadyang magpabuntis ito sa kanya para tuluyan na siyang maangkin pero hindi siya inutil para magpatali sa babaeng never niyang ginusto.
Hindi rin niya akalain na magbubunga ang isang gabing pagkakamali na kanyang nagawa dahil sa kalasingan ng mga panahong sawi siya sa pag-ibig kay Vivian na una niyang minahal ngunit niluluko lang pala siya at ginagamit ang empluwensya para sa pansariling career nito.
"Ok kana ba?" tanong ni Zandro kay Carly nang pumasok siya sa silid nito.
Hindi naman tumugon si Carly at tanging tango tango lang ito habang nakangiti. Doon naman pumusok ang ilang nurse kasama ang kanilang munting anghel.
"Hello, Mr. and Mrs. Salvador, ito na po ang inyong cute na cute na anghel," saad ng nurse at inabot nito ang bata kay Carly.
Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ni Zandro nang pagkakataong iyon nang una niyang masilayan ang kanyang anak na lalaki. Malamang iyon na iyong tinatawag nilang lukso ng dugo.
"Hi baby welcome to our world," tanging saad ni Zandro sa bata ng hawakan nito ang kamay.
May munting luha na pumatak sa mata ni Zandro nang pagkakataong iyon dahil sa mga daliring kumapit sa kanyang kamay ang maliliit na daliri ng kanyang anak.
May mga ilang katanungan ang nurse sa kanila lalo na kay Carly ukol ito sa birth certificate ng bata.
"Prince Zandro, Prince Zandro ang ipapangalan namin sa kanya," saad ni Carly nang tanungin siya nga nurse ukol sa pangalan ng bata.
Hindi naman kumuntra doon si Zandro at nagustuhan niya ang ipinangalan sa kanyang anak ni Carly.
Ilang oras pa ang lumipas nang dumating ang kanyang ina, tapos na rin niyang pakainin si Carly at ayusin ang pagkakahiga nito sa kanyang silid.
"Anak, pasensya na trapik kaya hindi agad kami nakarating nang maagap." Humalik sa pisngi ni Carly ang ina nito.
"Isinama ko na si kumare, alam mo na dahil siya naman talaga dapat ang naririto," saad naman ng ina ni Zandro na tumabi sa kanya.
"It's ok Ma, dapat naman talaga sila ang una kong tinawagan kaya thank you Ma," Ngumiti si Zandro sa kanyang ina at inakbayan ito.
"Kuya ang cute cute naman ng pamangkin ko nagmana sa akin, tingnan mo tisoy oh," saad ni Carmina na kanyang kapatid sa ina.
"Anong nagmana sa iyo, dugyot dugyot mo kaya tapos ang itim itim mo pa." Pinisil ni Zandro ang ilong ni Carmina.
Doon naman nagtawanan ang mga taong naroroon sa silid.
Kawangis na kawangis ni Zandro ang kanyang anak kaya hindi ito mapagkakailang anak niya ito kay Carly.
Kahit sanggol na sanggol pa ito ay kitang kita na ang pagiging tisoy nito lalo an ang ilong nitong napakatangos. Kay Carly naman nakuha ang pagkulot kulot ng buhok nito at ang manipis at may pagkakurting puso na labi nito na mapula.
"Pero kuya, hindi ka naman excited ano? Nakapangtulog kapa kasi," saad muli ni Carmina at napatawa pa ito.
"Oo nga anak. Mabuti pa kaya umuwi kana muna sa inyo at magpalit ng damit, kami na ang bahala sa mag ina mo naririto naman kami ni kumare eh," saad ng ina ni Zandro.
Kaya agad naman tumango si Zandro at tumungo sa kanilang unit upang maligo at magpalit ng damit.