Kinabukasan walang nagbago sa pakikitungo ni Carly kay Zandro kahit may isang bagay itong nakita sa kanyang bulsa. Minabuti niya pa rin na gumising ng maagap upang ipaghain ng almusal si Zandro bago ito pumasok sa trabaho. "Ang tahimik mo yata Carly? May problema ba? May kailangan ka ba?" tanong ni Zandro habang sila ay nasa hapag kainan. "Wala naman. Ahm.. Pasensya na kasi parang sumasama lang kasi ang pakiramdam ko kaya parang wala ako sa mood," tugon ni Carly. "Talaga? Gusto mo ng gamot? Or hindi muna ako papasok sa work para alagaan ka?" Lumapit pa si Zandro kay Carly at iniwakan at pinakapakiramdaman nito ang noo at leeg ni Carly. "Ok lang ako. Baka sa puyat lang ito, need mong magtrabaho nang magtrabaho diba? Kasi, magpapakasal pa tayo, magpapatayo pa tayo ng ating dream hou

