Nagising si Carly dahil sa iyak ng kanyang anak kaya agad siyang napatayo pero hindi siya makatayo dahil sa kamay na nakapalupot sa kanyang bewang. "Ano ba 'yan.. Andito pa pala ang lalaking ito." Dahan dahan tinanggal ni Carly ang kamay ni Zandro at tinungo ang kanyang anak. Habang nagpapadede si Carly ay nakatingin lang siya kay Zandro na mahimbing pa rin na natutulog. "Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng lalaking ito. Kagabi, kung ano anong ginagawa sa akin at ngayon naririto pa rin sa kwarto namin. Kwarto pala ni Prince Zandro, at alam kong mamaya hindi na naman niya alam ang kanyang ginagawa. Haysss mabuti na lang at hindi natuloy ang kanyang binabalak kagabi, kung sakali iiyak na naman ako nito," bulong ni Carly habang nakatitig sa binata. Pagkatapos ni Carly magpa brea

