Chapter 4

1149 Words
Naghilamos at pinunasan ni Carly ang kanyang mukha bago lumabas ng comfort room upang ipakita kay Zandro na malakas at hindi siya paaapekto sa ginawa sa kanya nito. "Do you really think I'm not going to do what we're talking about, Carly?" saad ni Zandro pagkalabas ni Carly sa comfort room na nakapamulsa ito at seryuso na nakaharap sa kanya. Bahagya pang nagulat si Carly dahil hindi niya inisip na nasa pintuan pala ito ng comfort room. "Oo, ang akala ko talaga hindi mo na gagawin kung anong napag usapan natin. Actually, idea mo lang at sinunod ko lang iyon. Sayang Zandro, ang akala ko tanggap na tanggap mo na ang anak mo sa akin at napatunayan mo na agad na anak mo pala talaga ito. Tssk... Imahinasyon ko lang pala iyon," seryusong tugon ni Carly. "I'm not stupid. Kung iniisip mo na inaalagan at pinaparamdam ko sa anak mo ang pagiging ama natural lang iyon sa pagkatao ko. At alam mo iyon dapat Carly," saad muli ni Zandro. "Sh*t ka!" Bahagyang tinulak ni Carly si Zandro. "Ang akala ko na totoo na talaga ang pagpapakaama mo sa anak natin, dahil asikasong asikaso mo siya hindi pala. Alam mo Zandro, kung anong tingin ko sa iyo ngayon para kang isang inutil at walang kwentang tao!" dagdag ni Carly. Doon naman lumapit kay Carly si Zandro at hinawakan ang magkabilang braso ng mahigpit,"Oo, wala akong kwentang tao. Pero, hindi ako inutil! Carly, huwag mong alisin sa akin ang magkaroon ng doubt tungkol diyan sa anak mo na sinasabi mong anak ko. Sawang sawa na ako sa mga taong puro manluluko at manggagamit." Agad naman binitawan ni Zandro si Carly. "Ito tandaan mo Carly, at paulit ulit kong sasabihin sa iyo na hangga't hindi ko napapatunayan na anak ko si Prince Zandro, mananatiling kayong stranger sa akin. At kung iniisip mo na may care ako sa inyong mag ina, parte lang iyon nang pagiging maawain ko. At kung nararamdaman mong tanggap ko na, at inaangkin ko ng anak iyang anak mo nagkakamali ka dahil tinutupad ko lang ang tungkulin ko bilang isang lalaki dahil naririto ka pa sa poder ko at kailangan ninyo pa ng atensyon at mag aalaga sa inyo. Kaya, Carly, please lang. Iwas iwasan mo lagi ang pagiging assuming," mahabang paliwanag ni Zandro at agad itong dumiritso sa kanyang kwarto. Napahawak si Carly sa kanyang dibdib dahil ang sakit sakit ng mga salitang binitawan ni Zandro sa kanya ng mga oras na iyon. "Ang sama mo Zandro, ang sama sama mo," bulong ni Carly sa kanyang sarili habang paupo sa sahig at nanatiling nakahawak sa kanyang dibdib. Napatigil lang sa pag e-emote si Carly, nang marinig niyang umiyak si Prince Zandro. Agad naman tumayo si Carly, upang padedehin ang bata. "I'm sorry anak, kung ma dede mo ata ngayon ang sama ng loob ko. Nasasaktan kasi ako anak, nasasaktan si mama sa pinaparamdam ni papa. Tama naman si papa mo anak, tama siya na nag assume ako na tanggap at inaangkin ka na niyang anak. Nag assume lang pala ako, na nagiging mabuting ama na siya sa iyo. Nag assume lang din pala ako anak, na ang akala ko iyon na ang umpisa ng mabuo ang ating pamilya," saad ni Carly habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. "Anak, I'm so sorry kasi hindi kita magawang ipaglaban. Nakapag desisyon na ako anak, na oras na mapatunayan ni papa na anak ka talaga niya ay kusa akong aalis sa lugar na ito para iwan ka sa kanya. Pero, ipinapangako ko rin sa iyo anak na hangga't andito ako at hindi pa lumalabas ang results ng DNA test, ipaparamdam ko kay papa mo na siya at ikaw pa rin ang gusto kong makasama. Hindi ko alam anak, sa kabila ng pananakit sa akin ni papa mo, siya pa rin ang pangarap ko." Patuloy pa rin na tumulo ang luha ni Carly habang nag sasalita. Ipinasok ni Carly ang kanyang anak sa kabilang kwarto upang matulog, maging siya rin at gusto niyang umidlip dahil siguro sa sobrang emosyon ay ginusto na rin ni Carly na tumulog sa tabi ng kanyang anak. ********* "Hey bro, how are you? By the way congratulations pala ha. Nanganak na pala si Carly, congrats may junior ka na." Tinapik tapik ni Ian si Zandro sa balikat. Isa si Ian sa kaibigang matalik ni Zandro, noong panahon na sumasampa pa sila sa barko. Isa ito sa mga kaibigan niyang pinagkakatiwalaan at sinasabi ang lahat lahat ng kanyang lihim at gustong mangyari sa hinaharap katulad ng mga simpleng pangarap. "Iyan lang ba ang sasabihin mo sa akin kung bakit naririto ka sa Coffee shop ko? Akala ko ba may pag uusapan tayong negosyo?" tanong ni Zandro sa kaibigan. "Syempre hindi, ano ka ba. Pero, seriously congrats. Hindi ka ba masaya na magiging ama ka na?" tugon at tanong din Ian kay Zandro. "Paano ako magiging masaya kung hindi ko pa sure na anak ko talaga iyong anak ng Carly na iyon." Ngumisi si Zandro. "Paanong hindi mo sure? Ano? Wala ka man lang nararamdaman na luksong dugo na sinasabi nila?" tanong ni Ian. "I don't know, basta ang alam ko kakaibang saya ang nararamdaman ko kapag nahahawakan at lalong nahahagkan ang batang iyon. Feeling ko, may bumuo sa pagkatao ko. Pero, hindi pa rin maaalis sa akin ang mag duda diba? Lalo na patay na patay at inlove na inlove sa akin ang Carly na iyon," tugon ni Zandro. "Gag* ka talaga Zandro, hindi ko alam paano mo nakakaya na ipa DNA test ang batang iyon kung ramdam mo naman talaga na anak mo siya. Pero, ikaw na rin ang may sabi na gusto mo nang simple at buo na pamilya diba? So, kahit kunti talaga hindi mo magawang tingnan si Carly na maging asawa?" muling tanong ni Ian. Napatawa ng malakas si Zandro," Haha.. Hindi katulad ni Carly ang babaeng gusto kong makasama sa hinaharap. Sayang ang lahi ko ano, sa gwapo kong ito magiging asawa lang ng babaeng iyon. Kahit saglit, kahit kunti. Hindi sumagi sa isip ko, na siya ang gusto kong makasama. Bro, lahat ng gusto kong katangian lalo na sa physical na anyo wala kay Carly, kaya paano ko masasabi na ito ang gusto kong makasama." Napa iling-iling si Zandro habang nakangisi. Noon pa man, alam ni Zandro kung gaano ka lakas ang tama niya kay Carly, simula pagkabata. Pero, mula rin noon hindi niya ito pinapansin at iniiwasan lang dahil kahit saan aspekto ng pagkatao ay hindi niya ito gusto. "Sa ngayon, ang gusto ko lang. Na malaman ko talaga kung anak ko talaga si Prince, at sa oras na mapatunayan kong anak ko talaga ang batang iyon, paaalisin ko na si Carly sa condo ko," saad ni Zandro. Napa iling-iling na lang si Ian sa sinasabi ni Zandro. At ramdam ni Ian, na seryuso ito sa kanyang sinasabi at balak gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD