"Hey... Tulala ka diyan? Anong meron?" tanong ni Ian ng pumasok ito sa opisina ni Zandro ng walang pasabi. Sa lahat ng kaibigan ni Zandro, tanging ito lang ganito sa kanya at kalapit kaya labas pasok ito sa kanyang opisina ng walang pasabi. At ok lang iyon kay Zandro, dahil hindi lang naman kaibigan ang tingin niya dito kundi kapatid na din. "Ginulat mo na naman ako. Ikaw ang anong meron at naririto ka na naman?" tanong rin ni Zandro dito. "Wala, namimis lang kita bro, haha.." Napatawa si Ian at umupo ito sa upuan. "Sira ulo, magkasama pa nga lang tayo ilang araw na nakakalipas. May nakapag kwento sa akin kaya ka naririto lagi sa Manila dahil may binabalik balikan ka na babae diyan sa University, bro, baka kasuhan ka ng Child Abuse niyan haha studyante." Napa iling iling si Zandro

