Chapter 9

1641 Words
Chapter 9 Keanna I may not be in love with Tristan at the moment, pero alam kong darating din ako r’on. Because I know he has a good heart. That every woman would dream of. He is also an excellent provider to his siblings. Even though he doesn't have wealth, mayaman naman siya sa pagmamahal galing sa pamilya. And I know he will be a good father and husband someday. “B-bakit?” he asked. Kanina ko pa pala siya tinitingnan. Nasa kusina kami ngayon. Nagluluto siya ng dinner. Yes, I’ve spent my rest day with him. I usually went to Tita Keith’s bakeshop. O kaya naman kukulitin ko si Kuya Kyle. Or si Mommy at Dad kasama ng kapatid naming si Carl. Or sa firing range pag medyo bad mood ako. But today was different. Hindi ko na kasi namalayan ang oras. Sarap na sarap talaga ako sa luto ng Nanay ni Tristan. Hindi ako maarte sa pagkain, dahil sinanay kami ni Mommy na huwag maging pihikan. But first time kong makatikim ng maliliit na isda. Sabi ni Tristan galunggong daw ang tawag sa isda na ‘yon. Super delicious with matching green monggo. “Wala naman, masama bang tingnan ang boyfriend kong guwapo na, marunong pang magluto,” sabi ko habang ‘di pa rin mawala ang tingin sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Na halatang kinilig sa sinabi ko. Akala ko babae lang ang kinikilig. “Huwag mo na ako titigan Tart, sige ka baka halikan kita riyan makita mo,” he said teasing me. Pero imbes na ma intimidate ako’y lalo pa akong na-challenge. Tinitigan at pinagmasdan ko pa ang kanyang mukha. His eyes are hooded with chestnut colors. With thick eyebrows and light bruised skin. Pointed nose and bow-shaped lips. With his looks and heights, mapagkakamalan siyang ibang lahi. Jologs nga lang. “Then do it, boyfriend naman kita, so why not?” I replied. I don't know what's in me to say those words. Tumigil siya, pinatay niya ang kalan saka ito naghugas kamay at walang babala akong hinila palapit sa kanya. My eyes widened into shock. His eyes lit up while he slightly bit his lower lip. His arms went around my waist and pulled me even closer to him. “Agbayani, n-nagbibiro lang a-ako,” I mumbled. Nag-uumpisa na rin kumabog ang puso ko. This is the first time I felt a bit nervous and it’s all because of him. “Hindi pwede ‘yon Tart,” he said in a husky voice. Oh, my! Did I step on his ego? Or gusto ko lang magkaroon ng first kiss. Yes, in my 26 years of existence, I’ve never had my first kiss. But I am not that innocent because of my work. “Bakit mukhang kinakabahan ka yata—” “Hindi noh!" I said in defensively. Denying written all over my face. Gusto kong labanan ang tingin niya pero di ko magawa dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang bibig. Tristan has a perfect set of teeth. And when he smiled? Talaga namang matutunaw ang sinumang ngingitian niya. Kaya nga siguro madali lang sa akin na sabihin na kami na. Hindi ko rin alam ang pumasok sa isip ko at sinabing kami na. Siguro dahil magaan ang loob ko? I really don’t know. I closed my eyes to give him an invitation. “Tart… mahal kita,” he whispered before he pressed his lips on me. His soft lips move slowly, which gives me butterflies in my stomach. But suddenly… “Kuya… ay sorry po!” Mabilis ko siyang itinulak nang biglang sumulpot si Tricia. Umatras ako’t tinalikuran sila. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Ngunit tuluyan itong nawala nang… “Tricia!!! Wrong timing ka talaga!” habol sigaw nito sa kapatid. Kaya ang hiyang naramdaman ko ay napalitan ng tawa. Hindi ko kasi mapigilan ang tumawa nang tumawa. “Sorry na Kuya, ikaw naman kasi, dito mo pa naisipan halikan—” “Tricia, tama na ‘yan. Mahiya ka naman sa girlfriend ng Kuya mo,” saway ng Nanay nila. “Opo! Sorry Ate,” hingi nito ng pasensya sa akin. “Ayos lang, Tricia, ito kasing Kuya n’yo, hinamon ako,” sabi ko rin. Pansin ko ang pamumula ng mukha ni Tristan habang naghahanda ng pagkain. Nag-luto siya ng adobong manok. Tinulungan ko siya mag-set ng table gaya ng paghahanda sana namin ng pagkain sa bahay. Kaya nga lang kulang sila ng mga kagamitan kaya simpleng plato at mga kutsara tinidor lang. Marami akong napansin na kulang sa kanila. Lalo na kay Nanay na naglalaba ng mano-mano. Kaya kanina tumawag ako kay Kuya Kyle at nag-request ng washing machine pati na rin ng ref. Flatscreen TV para sa mga kapatid niya. Sana lang ay hindi magalit sa akin si Tristan lalo pa at hindi ko pa nasasabi sa kanya kong sino ako. Wala pa akong lakas ng loob sa ngayon. "Kain na tayo," tawag ni Tristan sa mga kapatid niya. Sakto naman ang mesa nila sa dami namin. Gawa raw ito ng tatay nila. Nagsimula kami kumain na panay kulitan ng mga kapatid niya. Kaya nag-enjoy akong kasama sila. Ang dami nilang ibinuko sa akin tungkol kay Tristan. Natatawa na lamang ako't sinasakyan na lang sila. Hanggang sa matapos kaming kumain ay panay ang kulitan nila. Oo simple lang ang buhay nila. Isang buhay na gusto kong maranasan. Kasama ng lalaking mamahahalin ko at mahal ako hindi bilang anak ni Kean Zobelle na nagmamay-ari ng Zmalls and Hotels. "Hija, dito ka na matulog, gabi na," sabi sa akin ni Inay. 10-PM na rin kaya tulog na ang mga kapatid niya. Kaming tatlo na lang ang gising para sa kaunting shot na pinagmamalaking ginawa ni Tristan, his own version of Lambanog. Masarap siya, kaunting develop pa ay pwede nang ibenta sa market. "Nay, paano naman..." "Sige po, Nay gusto kong makatabi si Tristan, hindi ba Tart?" Medyo nahihilo na rin ako dahil sa ilang basong nainom ko. "Malalaki na kayo kaya alam n'yo na ang tama sa mali, pero Anak, hinay-hinay lang," habilin ng Inay niya sa kanya. "Nay naman, lasing na rin yata kayo?" suway niya rito. "Anak, kunyari ka pa. Aba! tingnan mo nga 'yang mukha mo, pulang-pula na." Nagtawanan kaming dalawa bago ito magpaalam sa amin at aayusin daw muna ang kuwarto ni Tristan. Isinandal ko ang aking sarili sa kanya. Halata ang pagkagulat nito base sa reaksyon ng kanyang katawan. "T-Tart, sigurado ka ba na dito ka matutulog? Wala akong aircon sa kuwarto--" "Oo, sigurado, nandiyan ka naman kaya alam kong 'di mo ako pababayaan," putol ko sa sinabi niya. Hindi na rin siya nagsalita kaya hinayaan ko na lang i-pikit ang aking mga mata. Ibang klase pa naman ako pag-inaatok na. "Tart, mag-linis ka na ng katawan at magpalit. May dinalang bihisan si Inay. Para makatulog ka na rin," sabi niya habang tinatapik ako sa mukha. Pero umiral din ang katigasan ng ulo ko kaya't... "Samahan mo ako please," sabi ko habang nakapikit pa rin. Kaya naman, ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere at pagbukas sara ng pinto. "Ayan, may malinis na tootbrush diyan at sabon na hindi nagamit, kukunin ko lang ang bihisan mo," sabi niya at iniwan ako. Nag-tooth brush ako at nagbihis pagkahatid ni Tristan ng duster ng Nanay niya at maya-maya nga'y lumabas na rin ako kung saan nadatnan ko siya sa tapat ng pintuan. Pansin ko ang kanyang pag-lunok nang pasadahan niya ako ng tingin. "Akin na ang damit mo, para malabhan ko," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. "Hindi na, magpapahatid na lang ako ng damit bukas, saan ba ang kuwarto mo, akyat na tayo," sabi ko sa inaantok na boses. Hindi kasi ako nag-hilamos dahil allergy ako sa ibang sabon. "Sige, ihahatid kita," sabi niya at nauna nang nag-lakad pero hawak naman niya ang aking kamay. Natatawa ako na bahagyang nanginginig pa ito, of course lalaki siya at alam niyang magtatabi kaming muli. Pero honestly, hindi ako kinakabahan. Hindi naman niya ako mapipilit kung ayaw ko. "Pasesnya ka na, maliit lang ang kama, kaya sa ibaba na ako matutulog," sabi niya sa nahihiyang boses. "No, dito ka lang," pigil ko sa kanya. Shocks, bakit ba ako pa itong gustong-gusto siyang makatabi?" "Tart kasi---" "Sige ka, magagalit ako," pananakot ko sa kanya. Ayaw ko naman siya roon sa ibaba, malamok at saan siya matutulog doon? "Sige, mauna ka na, magbabanyo muna ako," sabi nito. Tumango lang ako at nauna na ring mahiga sa may kaliitan niyang kama. Malinis ang kuwarto niya, lalaking-lalake kaya naging komportable naman ako kahit electric fan lang ay malamig naman. I rested my back ang close my eyes while waiting for him to comeback. After a couple of minutes, he's back. Hindi ako gumalaw at nagkunwaring tulog. Hanggang maramdaman ko ang kumot sa aking katawan bago ko maramdaman ang presenya niya sa aking tabi. Panay ang buntong-hininga nito at pabulong kong magsalita or he's praying right now. Kaya hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako. "Ganoon ka ba katakot na makatabi ako kaya panay ang dasal mo?" sabi ko at binuksan ang aking mata. Gulat na gulat pa ito dahil sa lapit ng mukha nito sa akin. "Tart, pwede ba kitang h-halikan?" paalam nito sa nanginginig na boses. "Hindi na tayo mga teenager Tart," sagot ko lang.Pero nakatingin pa rin ito sa akin. Ano ba naman klaseng lalaki 'tong si Tristan. Kaya dahil sa inip ko'y ako na ang humila sa kanya upang damhin ang malambot niyang labi. "You're dead Keanna," saway ko sa sarili. Bahala na, halik lang naman... sana pero nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking binti ay... nakaramdam agad ako ng kakaiba. And the next thing I did was to moan his name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD