Gustuhin man ni Vaughn na panatilihin si Violet sa hospital ay hindi na siya pakasisigurado ngayon. Kahit na sabihin na nahuli na si Charlie at ang mga tauhan niya ay hindi niya alam kung ano nanaman ang susunod na mangyayari. Kaya naman para hindi na ulit mapahamak si Violet ay iniuwi niya si Violet at nag-hire siya ng nurse na siyang mag-aalaga sa kanya. Sinigurado na rin niya na mababantayan ang kwarto ni Violet ng magdamag hanggang sa hindi ito nagigising. Dinoble niya na rin ang sekyuridad niya sa buong palasyo at pati na rin ang mga guards nila tuwing lalabas sila. Habang binabantayan ni Vaughn si Violet na natutulog ay napatingin siya sa pinto nang marinig niyang may kumatok dito. Sumilip ang ulo ni Seanne at agad niya naman itong pinapasok. Simula nang ma-hospital si Violet ay h

