DOTHS POV Pagkaalis ni Jamer ay parang naging masaya ang awra ni Eliezer. Hindi tulad kanina na tila pinagsakluban ng langit at lupa. "Nabusog ka ba?" tanong ko rito. "Yeah," seryosong sagot nito. Kahit hindi niya sabihin sa akin, nararamdaman ko ang pagkadisgusto niya kay Jamer habang kaharap namin ito kanina. I don't know why, pero I guess there's something behind those Eliezer's attitude . Ayoko lang magtanong dahil baka nag-o-overthink lang ako. Tinulungan niya ako na maghugas ng pinggan. Si Tita at Ninong ay abala na sa inaabangan nilang teleserye sa TV, kung kaya't nauna na sila sa sala. Maya-maya ay bigla kong naisip na magtanong. "May pamangkin pala si Aling Yuli?" Natigil si Eliezer sa ginagawa niya. "Meron. Nag-iisang anak ng kapatid niya." Tumango ako. "Ahh. Lagi ba

