NAKADAMA ako ng awa kay Corina dahil ang isipan nito ay wala na sa realidad. Lingid sa kaalaman n'ya ay kinausap ko ang kanyang mga magulang kagabi. Tao nila akong pinakiharapan kung kaya tao rin ang pakikitungo ko sa kanila. Sinabi ko ang lahat ng ginagawa nito na alam ko at may batayan hanggang sa DNA test na hinihingi nito. "Mr. De Los Santos, Mrs. De Los Santos, maraming salamat sa oras. Alam kong busy kayo sa negosyo kaya hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa." "What can we do for you, Mr. Astoria?" tanong ng ginang. "Naging kaklase ko po si Corina sa ilang subjects noong nasa kolehiyo pa kami. Alam ko pong matindi ang kagustuhan n'yang maging kami pero noong panahon po na 'yon ay may asawa na ako na lingid sa kaalaman ng marami." "Ano ang ginawa ng aking anak sa iyo?" tanong ng

