KASALUKUYAN akong umiinom ng tubig nang mabitawan ko ang baso at ilang saglit ay nag-ring ang telepono ko. "Hello, this is Alma from De Los Santos Medical. Pwede po bang makausap si Mr. Russel Astoria?" tanong nito sa akin. "Si Russel ito. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" kahit malakas ang kabog ng dibdib ko ay pinili kong maging kalmado. "Sir, nagkaroon po ng aksidente sa parking lot sa mall at isinugod dito sa hospital ang inyong asawa. Maxine Astoria po ang nasa ID n'ya at kinumpirma din po ng kasama n'ya. Kayo po kasi ang nakalagay na contact n'ya dito. Nandito rin po ang kaibigan n'ya na tumawag ng tulong. Buntis din po s'ya at sa takot ay sumakit din po ang tiyan nito." "I will be right there," halos mabitawan ko ang telepono at hindi ko mapindot ang end call button sa sobran

