Makalipas ang isang linggo. Walang pasok si Leyla sa opisina ngayong araw. Balak niyang mamalagi lang sa bahay kasama ang anak. Habang naghahanda sila ng pinsan niya ng kanilang tanghalian, tunog ng doorbell ang nakapagpatigil sa king anuman ang kanilang ginagawa. "Ako na magbubukas." Wika ni Leyla sa pinsan. Mabilis niyang tinungo ang pintuan. Laking gulat niya ng masino ang dumating. Si Yasmin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa dalaga. "Pumunta ako dito para kausapin ka." Sagot naman ni Yasmin. "Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na!" Pagtataboy ni Leyla at akmang isasara ang pinto ngunit naitulak iyun ni Yasmin. "Sorry! Sorry sa mga kasalanan ko, sa mga pagkakamali ko at sa pagsira ko sa pamilya mo!" Bulalas ng dalaga. "Wala nang magagawa pa ang sorry mo kaya umalis k

