Hindi matatahimik si Ali hangga't hindi niya malalaman kung saan nagpunta si Leyla. Ayaw sabihin ni Daina na bestfriend nito kaya naisipan niyang dumaan sa mga magulang ng asawa. "Ma, nandito po ba si Leyla?" Tanong niya sa biyenang babae na nakaismid sa kanya. "Wala siya dito at huwag mo nang alamin kung nasaan pa siya!" Inggratang sagot ng matanda. "Gusto ko lang po na masiguro na nasa ayos siya Ma,kaya sabihin niyo na kung nasaan siya." Pilit niya. Isang matunog na sampal ang inabot niya sa biyenan. "Matapos mong saktan at paiyakin ang anak ko, may gana ka pang sabihin na gusto mong nasa ayos siya?! Ang kapal din naman ng pagmumukha mo!" Sigaw na duro ng biyenan. Napayuko lang si Ali. Hindi siya sumagot dahil nasa katwiran naman ang biyenan ngunit kung alam lang nila siguro ang pa

