Mahigit dalawampung minuto ang biyahe ni Ali sa pagsunod sa sasakyan nina William at Leyla. Dumating sila sa isang HDB apartment , malamang ito na ang tinitirhan ni Leyla. Matapos siya makapagbayad ng kanyang pamasahe ay palihim na sinundan ang dalawa. Umakyat sila sa isang elevator papuntang 4th floor. Sumunod din si Ali pagka-akyat ng dalawa. Habang nagmamasid siya sa di kalayuan ay nakita ni Ali ang pagsalubong ni Brianna sa dalawa. Agad na binuhat ni Leyla ang anak saka hinalikan ito, ganun din si William. Habang natutunghayan ni Ali iyun ay hindi niya maiwasang makaramdam ng selos. Siya sana ang naroon, siya sana ang humahalik sa bata, siya sana ang tinatawag niyong Papa. Nanghihinayang man siya ngayon, wala na soyang magagawa dahil nangyari na ang mga nangyari. Kaya siya nandito nga

