Humahagulgol si Leyla habang patayo sa pagkakadapa dahil pagtulak sa kanya ni Mr. Del Mundo palabas ng kanilang bahay. Alam niyang mali ang ginawa niyang pagsugod doon ngunit gunawa lang niya iyun dahil sa pagmamahal sa asawa at sa karapatan niya bilang legal na Mrs. Manansala. Siya na nga itong naagrabyado, siya pa ang nasaktan at ang mas masakit pa ay wala si Ali para ipagtanggol siya. Nag-iwan ng galos sa kanyang tuhod at kamah ang kanyang pagkakatulak. Sa kabilang banda naman. Isang tawag ang natanggal ni Ali mula kay Shaine. "Pare bakit napatawag ka?" Tanong niya sa kaibigan. "Nasaan ka ba?" "Nasa Baguio, bakit?" "Aaah.. Tumawag kasi kanina si Leyla tinatanong ang site address diyan baka kako pumunta siya." "Huh? Ibinigay mo ba?" "Oo. Baka nandiyan na siya ngayon kung nagyon s

