Hindi maipaliwanag ni Leyla ang sayang nararamdaman sa naibalita sa kanya. Magkakaanak na sila ni Ali. Hindi na siya makapaghintay na makita ang asawa at maibalita sa kanya. Ngunit, nasaan si Ali? Pagdaka'y bumukas ang pintuan na kinaroroonan ni Leyla. Si Daina ang dumating, may dala dalang pagkain. "Gising ka na pala. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ng kaibigan. "Okay naman. Medyo kumikirot lang ang sugat ko sa noo. Ano pala nangyari?" "Pumutok ang isa sa gulong ng sasakyan mo buti na lang sa puno mo ibinangga ang kotse kung hindi baka natuluyan ka na." Wika ni Daina. Napabuntong hininga si Leyla. "Hindi pa ba pumupunta si Ali dito?" "Nandito siya kanina eh. Bumaba lang ako para kumuha ng makakain." "Wala siya. Baka umuwi na sa bahay." "Eh anong sabi ng doctor? Makaka-uwi ka na da

