Isang mayaman at makapangyarihang angkan ang mga Del Mundo. Kung susumain ay sila ang pinakamayaman at pinaka makapangyarihan sa Baguio. Kung babanggain niya ang mga ito ay para na rin bumangga si Ali ng isang pundasyon ng isang matayog at malakas na pader. Nakuyumos ni Ali ang kanyang buhok. Ano ang gagawin niya? Paano niya susulusyunan ang problemang kinakaharap niya? Para siya naiipit sa dalawang nag-uumpugang mga bato. SAMANTALA.. Buo na ang desisyon ni Leyla. Kailangan niyang komprontahin ang asawa tungkol sa mga bagay na nalaman niya. Ayaw na niyang magmukha pang tanga dahil sobrang haba na ang panahon na ginagawa siyang tanga ng asawa. Agad niyang dinampot ang cellphone niya at tinawagan si Ali. "Thanks God you called." Wika ni Ali sa nag-aalalang himig. "How are you? Tapos na b

