"So.... What a co-incidence huh?" ani Yasmin kay Ali ng maiwan na sila ng kanyang ama. Ngumiti sila. "Oo nga! Akala ko hindi na kita makikita." sagot naman niya. Biglang nakaramdam silang dalawa ng awkwardness sa isa't isa. Hindi tuloy nila alam kung tatayo na lang sila doon o uupo. "Want some drink?" pagkuwa'y alok ni Yasmin. "Aaaah.. Okay." tangong sagot naman ni Ali. Tumalikod si Yasmin para kumuha ng wine sa may Wine Area. Dumampot siya ng dalawang baso ng white wine saka bumalik sa kinaroroonan ni Ali. Pag-abot ni Ali sa baso ay sumimsim siya agad. "Mabuti naman sa inyo napunta ang pagdesign sa new hotel na ipapagawa ni Papa. He want that to be the biggest and grandest Hotel here in Baguio City." pagsisimula ni Yasmin ng conversation between them. Para kasi silang tuod na dalawa

